Connect with us

Viral

Isang biologist mula sa Florida, hindi nagdalawang-isip na iligtas ang 400lbs na black bear mula sa pagkakalunod!

Published

on

Isang black bear na mayroong timbang na 400 lbs ang aksidenteng namataan sa isang residential area sa “Alligator Point” sa Osceola National Forest, Florida. Marahil ay mayroon siyang hinahanap o mayroon siyang sinusundan kung kaya siya nakarating sa lugar na ito.

Ngunit nang maiulat sa otoridad ang insidente ay agad na nag-iba ang takbo ng mga pangyayari. Nang mamataan ng otoridad ang black bear ay mayroon itong kinakain na kung ano sa basurahan ng isang bahay sa lugar.

Kaagad din naman nilang binaril ng “tranquilizer dart” ang naturang oso dahilan upang matakot ito at biglang tumakbo papalayo. Patungo ito sa malawak na katubigan ng lugar at ilang minuto pa nga ang lumipas ay unti-unti nang umeepekto ang “tranquilizer”.

Halos 25 yarda rin ang nalangoy ng black bear bago nito tuluyang maramdaman ang epekto ng gamot. Batid ng biologist na si Adam Warwick ang susunod na mangyayari kung kaya naman agad siyang tumalon sa tubig at iniligtas ang oso.

Siya ay isa sa mga biologist ng “Florida Fish and Wildlife Conservative Commission”. Hinang-hina na ang oso nang maabutan niya ito.

“I wasn’t sure what I was going to do when I jumped in. It was a spur of the moment decision. I had a lot of adrenaline pumping when I saw the bear in the water.” Pahayag ni Warwick.


Nang mga oras na iyon ay talagang nanghina na ang mga paa ng oso, dahil rin sa bigat nito ay nahirapan na si Warwick sa pagliligtas sa kaniya ngunit hindi pa rin ito sumuko. Nailigtas naman niya ang oso na agad din nilang isinakay sa nakaabang na tractor sa dalampasigan upang masuri kung may iba pa ba itong pinsala na natamo.

Naibalik din naman ang oso sa kaniyang tirahan matapos ang insidenteng ito. Sa ngayon ay mas masaya na at mas ligtas ang oso sa kaniyang tunay na tirahan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.