Connect with us

Viral

Isang amang mangingisda, napagtapos ang kaniyang tatlong mga anak ng kolehiyo at lahat sila ay mga cum laude!

Published

on

Wala nang mahihiling pa si Tatay Ramil Montalbo mula sa Iloilo City dahil sa wakas ay napagtapos na niya ng kolehiyo ang kaniyang tatlong mga anak. Dahil sa kaniyang pangingisda ay talagang naigapang nilang pamilya ang edukasyon ng kaniyang mga anak na talaga namang nagsumikap at nagpursige din sa pag-aaral.

Ayon kay Tatay Ramil, pangarap niya talagang maging sundalo nang kaniyang kabataan ngunit hindi ito natupad dahil sa wala silang pera at pangtustos ng pag-aaral ng mga panahong iyon. Hindi rin daw pabor ang kaniyang mga magulang noon na mag-aral siya dahil mahahati lamang ang kinikita nila sa pambayad sa kaniyang eskwela at araw-araw nilang gastusin.

Dumating pa raw sa puntong madalas ay nag-aaway na sila dahil dito, gusto niyang magtapos ngunit ayaw ng kaniyang mga magulang. Dahil sa karanasan niyang iyon ay napagdesisyunan niyang tumigil na nang tuluyan sa pag-aaral at maghanap-buhay na lamang.

Nang magkaroon siya ng sarili niyang pamilya ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na talagang itataguyod niya ang edukasyon ng kaniyang mga magiging anak. kung kaya naman kahit siya ay isang mangingisda lamang ay talagang pinagsumikapan niyang matulungan at masuportahan ang tatlo niyang anak sa kanilang pag-aaral.


Dahil din naman sa ipinakitang dedikasyon ni Tatay Ramil sa kaniyang pamilya ay sinuklian din ito ng kaniyang mga anak at talagang nagsumikap din silang makapagtapos sa kolehiyo – lahat sila ay nagtapos bilang mga cum laude! Tunay ngang hindi hadlang ang kahirapan sa ating mga pangarap.

Nasa sa atin na lamang ito kung hahayaan nating ang kahirapan ang magdikta sa ating kinabukasan. Tulad ni Tatay Ramil ay tiyak na makakaya din nating malampasan ang maraming mga pagsubok at hamon sa buhay.

Huwag lamang tayong panghihinaan ng loob at mawawalan ng pag-asa. Sabi nga sa isang sikat na kasabihan ng matatanda na madalas nating marinig – “Nasa Diyos ang Awa, nasa tao ang gawa!”


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.