Connect with us

Viral

Dalawang pusa na sinubukang pumasok sa isang museo ng ilang beses sa loob ng isang taon, ginawang ng merchandise ng naturang establisyemento na patok na patok ngayon sa publiko!

Published

on

Noon pa man, talagang patok na patok na sa publiko ang pamamasyal sa mga museo at mga makasaysayang lugar. Sino ba namang ang hindi magkakaroon ng interes sa sining, kasaysayan, at kultura, hindi ba?

Bago pa man bumulaga sa buong mundo ang pandemya, marami na sa atin ang talagang nakaranas ng paglalakbay sa mga museo at iba pang magagandang lugar. Ngunit maliban pala sa atin, tila mayroon ding mga hayop na nagnanais na makapasok at makapamasyal sa loob ng isang museo?

Mayroon kasing dalawang pusa na talagang naging agaw-pansin sa isang museo sa Japan. Ito ay ang Onomichi City Art Museum kung saan madalas ay makikita ang dalawang pusa na talagang sumusubok kung makakapasok sila sa naturang lugar.

Taong 2016 nang magkaroon ng “cat photography exhibit” ang naturang museo, ilang beses din nilang sinubukang lusutan ang mga guwardiyang nagbabantay papasok sa museo. Noong una ay talagang nagugulat pa ang mga namamasyal sa museo, mga staff at mga guwardiya ng naturang museo nang mayroong isang itim na pusa na nakabantay sa entrance ng establisyemento.

Makalipas ang isang taon ay muli na namang namataan ang itim na pusa na tila ba naghihintay ng pagkakataon na makapasok sa museo. Ngunit tulad ng dati ay hindi pa rin siya pinayagang makapasok sa loob.


Hindi nagtagal at mayroon na namang isang pusa pa na tila nangungulit ding makapasok sa lugar. Ngunit tulad nang naunang pusa ay hindi rin ito pinayagang makapasok.

Dahil sa madalas nilang pagpunta sa museo ay binigyan na sila ng pangalan ng mga tao roon – Ken or Ken Chan (black cat) at Gosaku or Go-Chan (ginger cat). Nagkaroon na rin ng mga magagandang merchandise ang museo bilang pagkilala sa pagiging determinado ng mga pusang ito na makapasok.

Hanggang sa ngayon ay wala pang linaw kung pinahintulutan na bang makapasok ang dalawang pusa sa naturang museo.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.