Connect with us

Viral

Larawan ng Boracay noon bago pa man maging isang sikat na “tourist destination”, nagpabilib sa publiko!

Published

on

Marami sa atin ang talagang stress at problemado na pagdating sa ating mga trabaho, samahan pa ng pagiging stress sa loob ng ating tahanan. Nito lamang mga nagdaang taon ay talagang nalimitahan ang mga taong nais na lumabas at pumasok sa bansa.

Ito ay dahil pa rin sa takot at pangamba ng nakakahawang sakit. Buti na lamang at kahit papaano ay marami na rin namang paraan upang makapaglibang tayo maliban sa pamamasyal sa mga matataong lugar.

Isa na marahil sa pinakasikat na atraksyon sa bansa ay ang Boracay kung saan makakakita ka talaga ng pinong mga buhangin na napakasarap sa iyong mga paa. Talaga namang marami ang nagnanais bumalik sa islang ito.

Noon pa man ay marami na ang nabighani sa angking kagandahan ng Boracay. Kung kaya naman marami ding mga larawan ang nagkalat online kung saan makikita ang mga “before” photos ng naturang isla.

Talaga namang napakaganda pala ng Boracay noon at ngayon. Sa mga lumang larawan na kumakalat online at makikita ang napakagandang mga tanawin rito.

Mayroon ding mga magsasaka sa bukid na dala-dala ang kanilang mga kalabaw upang madaling matapos ang mga gawain nila sa kabukiran. Tunay nga na napakaganda at napakasarap pagmasdan ng mga tanawin na ito.

Wala pa masyadong mga establisyemento noon at wala pang masyadong mga turista ang mamamataan sa napakagandang paraiso na ito. Ngunit ngayon ay talagang hindi na mabilang ang mga taong nakarating at bumabalik-balik sa isla.

Marami na rin ngang mga sikat na personalidad ang nagtatayo ng mga negosyo rito o di kaya naman ay mga rest house. Marahil marami na din sa atin ang lihim na nag-iisip kung maaari bang ibalik ang kahapon.

Hindi ito makatotohanan ngunit marahil ay nagpapatunay lamang ito na marami pa rin talagang mga magagandang tanawin dito sa bansa na dapat nating ingatan at pangalagaan nating lahat.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.