Connect with us

Viral

Kakaibang pagkakaibigan ng isang lalaki at 800-pound na grizzly bear, hinangaan ng publiko!

Published

on

Kapag sinabi nating “pet”, agad na pumapasok sa ating mga isipan ang napaka-cute at talaga namang napakaliit na mga pusa, aso, ibon, isda, hamster, at marami pang iba. Talaga namang wala sa atin ang makakaisip na posible palang maging pet ang isang oso?!

Para kay Casey Anderson, ang mga oso ay talagang mababait. Mas kaibigan pa nga ang turing niya sa mga ito kaysa isang alaga o pet.

Bata lamang siya ay talagang mahilig na siya sa mga hayop. Dahil sa pambihirang interes niya sa mga ito ay nabansagan na nga siyang “animal magnet”.

Hindi na nakapagtataka na maging isa siyang “animal trainer” at “animal keeper”. Isang araw ay nabigyan siya ng pambihirang pagkakataon upang mailigtas ang dalawang bear cubs na ito na dapat sana ay i-euthanize na sa isang wildlife park.

Siya na mismo ang nag-alaga at nagpalaki sa mga ito. Sa kasamaang-palad ay nasawi ang isa sa mga bear cubs na ito habang ang isa naman ay pinangalanan na lamang niyang Brutus.

Talagang nagkaroon ng pambihirang ugnayan ang dalawa. Hindi lamang sila “owner” at “pet” bagkus ay matalik na magkaibigan ang turing nila sa isa’t-isa.

Nang lumaki-laki na si Brutus ay nagdesisyon siyang itayo ang “Montana Grizzly Encounters”. Itinayo niya ito dahil nais niyang magkaroon ng “educational sanctuary” ang mga hayop lalo na ang mga oso na hinuhuli na lamang basta basta.


Nais niya ito ang maging tahanan nila. Sa ngayon ay lumaki na ng husto si Brutus na may bigat nang 800-pound. Sobrang naging close sila kung saan naging best man pa nga ni Casey si Brutus sa kaniyang kasal.

“My relationship with Brutus is extremely unique. It comes from years of experience and training. And Brutus is an exceptional bear.” Pahayag ni Casey.

Para kay Casey ay talagang napakatalino ng kaniyang matalik na kaibigan. 80% na oso ngunit 10% na tao ang paglalarawan niya rito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.