Connect with us

Viral

Isang rescued dog nakahawak sa kamay ng lalaking umampon sa kaniya hanggang sa makauwi sila ng bahay, tila ba sinasabi nitong hindi na sila maghihiwalay pa kailan man!

Published

on

Tunay ngang wala nang iba pang mas nakakamangha na makita kung gaano kasaya ang isang aso sa shelter na nakatagpo ng kaniyang bagong tagapag-alaga. Marahil ay ramdam nila na ligtas na sila dahil mayroon nang taong mag-aalaga at kakalinga sa kanila sa wakas.

Madalas ang mga aso na ito ay magkakawag ng kanilang mga buntot dahil sa labis na kasiyahan o di kaya naman ay talagang magtatatalon sa sobrang saya. Kahit mayroon pang kaunting takot ay talagang hindi matatawaran ang kanilang kaligayahan dahil sa wakas ay mayroon na silang bagong pamilya.

Ang asong Stanley ay isa sa mga aso na talaga namang pumukaw sa atensyon ng publiko. Siya ay anim na buwang gulang pa lamang nang siya ay mailigtas mula sa isang abandonadong bahay.

Naroroon din ang kaniyang ina ngunit talagang mahirap ang kanilang kalagayan lalo na at wala nang ibang taong tumitingin at nag-aalaga sa kanila. Nang mamataan siya ng mga rescuer ay agad siyang dinala sa isang shelter upang doon ay makahanap sana ng bagong pamilya na magmamahal at mag-aalaga sa kaniya.

Habang naroroon siya ay nakiusap muna ang shelter kay Sam Clarence, isang volunteer dog walker myla sa Bull Breed Rescue sa Christchurch, New Zealand na bantayan si Stanley ng ilang linggo. Agad namang nagtungo sa shelter si Sam at doon na nga naganap ang unang pagkikita nila ni Stanley.


Nang magkakilala sila ay doon na nagdesisyon si Sam na hindi lamang niya babantayan ng ilang linggo si Stanley bagkus ay talagang aampunin na niya ito. Talaga namang nagkasundo kaagad ang dalawa kahit noong nasa sasakyan pa lamang sila pauwi sa bahay ni Sam.

Nang nasa sasakyan na sila ay tila ba hawak hawak ni Stanley ang kamay ni Sam at hindi talaga ito bumibitiw. Ito marahil ang kaniyang pagpapahiwatig kung gaano siya kasaya na sa wakas ay mayroon na ring nag-ampon sa kaniya.

Sa ngayon ay talagang malapit na malapit na sila sa isa’t-isa – palaging magkatabi matulog at magkasama sa mga biyahe at bakasyon.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.