Connect with us

Viral

Isang mag-asawang nagbenta ng kanilang bahay at ari-arian napiling manirahan na lamang sa mga cruise ship!

Published

on

Sa tuwing makakarinig tayo ng mga katagang “travel” o di kaya naman ay “cruise ship”, tiyak na isa lamang ang pumapasok sa ating isipan at iyan ay ang malaking gastos. Madalas kasi na mayayaman lamang ang nakakaranas ang mga pagbiyahe at cruise ship na ito.

Ngunit aakalain ba ninyo na mayroon palang isang mag-asawang pinili na lamang na ibenta ang kanilang mga ari-arian at sariling bahay upang manirahan sa cruise ship? Noon una ay talagang marami ang napataas ng kilay dahil dito ngunit para sa mag-asawang sina Angelyn at Richard Burk ay mas makakatipid daw sila sa paraang ito at nagagawa pa nila ang hilig nilang mag-asawa na pamamasyal at pagbiyahe sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Para sa kanila ay talagang sulit ang libreng accommodation at bakasyon sa mga cruise ship. Mayroon silang budget na $135 sa loob ng isang araw ngunit ang nagagastos lamang daw nila ay $89 lamang.

Talagang napakalaking tipid na rin hindi ba? Halagang $46 kada araw ang kanilang naitatabi para sa mga bagay na mas kailangan pa nila.

Sa ngayon ay nakarating na sila sa Mexico, Costa Rica, Alaska, Japan, Indonesia, Vietnam, Sydney, Singapore, Italy, Canada, at Bahamas. Naibahagi din naman ni Angelyn na noon pa man talaga ay palagi na silang nagtitipid mag-asawa kung kaya naman nararapat lamang daw na maranasan nila ang pamumuhay na ito na kanilang pinapangarap.


Sinong mag-aakala na ang pagtira pala sa cruise ay magiging isa sa mga pamamaraan upang makatipid tayo? Life hack o tipid hack wika nga ng nakararami sa ngayon. Ngunit ano mang hacks ang komportable sa atin ngayon, palagi dapat nating tandaan na ang kaligayahan pa rin natin ang mahalaga at pinakaimportante sa lahat.

Hindi mapapantayan ng gaano man kalaking pera o karangyang pamumuhay ang kaligayahan ng bawat isa sa atin lalo na kung kasama natin ang ating mga mahal sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.