Connect with us

Viral

Isang lalaking nakakita ng isang munting kuting sa daan na balak na sana niyang ampunin, nagulat nang husto nang may sumunod pang 12 kuting dito patungo sa kaniya!

Published

on

Nakakalungkot isipin na mayroon pa ring mga tao ang basta basta na lamang nag-aabandona ng kanilang mga alagang hayop. Bagamat mayroon silang kaniya-kaniyang dahilan sa ginagawa nilang ito, hindi pa rin tamang iwanan na lamang ang mga walang kamalay-malay na mga hayop na ito sa daan at sa iba pang lugar dahil tiyak ang magiging kapahamakan nila.

Maraming mga netizens ang nagulat sa naging karanasan ng lalaking nakilala bilang si Robert Brantley. Patungo sana siya noon sa isang shooting range sa Louisiana pagkatapos ng kaniyang mahaba at nakakapagod na araw sa kaniyang trabaho. Maya maya ay mayroon siyang napansin na isang munting kuting sa tabi ng daan na hindi naman niya magawang lampasan at iwanan na lamang, batid niya kasi kung gaano kadelikado ang buhay ng munting pusa sa lugar na iyon.

Maya-maya ay nagulat siyang makita ang ilan pang mga kuting na unti-unti nang lumalabas mula sa damuhan kung saan nanggaling ang unang kuting na kaniyang nakita. Tila ba isang pulutong ang mga munting pusa na ito dahil talagang kalat kalat sila at napakarami.

Maliban pala sa unang nakita niyang kuting ay mayroon pa itong 12 mga kasama o maaaring mga kapatid niya. Tila ba naging “Get 1, Get 12 another for free” ang naging karanasan na ito ni Robert.

Dahil sa wala na siyang ibang mapagpipilian pa, tinulungan na niya ang mga kuting na ito. Isa isa niya silang isinakay sa kaniyang sasakyan.


Talagang pahirapan ang nangyari dahil sa tuwing magpapasok siya ng mga pusa ay mayroon namang mga tatalon at mayroong mga lalabas sa bintana. Hindi naman nagtagal at naiuwi rin niya sa kanilang tahanan ang mga ito.

Laking gulat ng kaniyang pamilya na mayroon siyang inuwi na 13 mga kuting, ngunit lahat naman sa kanila ay masaya gayundin din ang alaga nilang aso na tila ba itinuturing na anak nito ang mga kuting. Nang malaman ng publiko ang pangyayaring ito ay marami ang nagparating ng kanilang mensahe ng pagtulong at mga donasyon.

Mayroon ding iilan na nagnanais na mag-ampon sa ilan sa mga kuting na ito.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.