Connect with us

Viral

Isang cabin crew, umani ng papuri mula sa publiko dahil sa ginawang pagtulong nito at paghele sa isang baby sa kanilang onboard flight!

Published

on

Walang madaling trabaho, talagang paghihirapan itong maigi lalo na kung gusto mong magtagal sa iyong propesyon. Sa panahon natin ngayon, kadalasan ay puro reklamo na lamang ang nababalitaan natin patungkol sa mga trabaho at propesyon ng karamihan sa ngayon.

Ngunit nang magkaroon ng pandemya ay marami ang talagang naapektuhan. Hindi lamang ekonomiya at turismo sa ating bansa kundi marami ring mga negosyo ang nalugi at mga manggagawa na nawalan ng trabaho.

Isa na marahil sa mga labis na naapektuhan ang mga flight attendant o cabin crew, ang ilan sa kanila ay nagdesisyon na lamang na maghanap muna ng pansamantalang mapagkakakitaan upang masuportahan pa rin ang kanilang pamilya. Buti na lamang at nitong mga nagdaang buwan ay unti-unti nang bumabangon ang ating turismo at ekonomiya.

Kamakailan lamang ay marami ang natuwa sa isang cabin crew na ito ng Air Asia. Mula kasi sa Laguindingan Airport sa Cagayan de Oro City ay hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ang isang ina na patahanin at ihele ang kaniyang anak. D

elayed flight daw kasi sila at hindi na batid ng nanay kung paano mapapatahan ang kaniyang sanggol lalo na at nagrereklamo na rin ang kanilang mga katabing pasahero. Nang binuhat ng cabin crew ang sanggol ay hindi ito umiyak bagkus ay nakatulog ito agad matapos niya itong ihele.


Ayon din naman sa naturang cabine crew, handa raw silang tumulong sa mga nanay na nasa biyahe lalo na kung ito ang magiging dahilan upang maging komportable sila. Kung nag-iisa rin daw ang mga nanay ay maaari nilang ipahawak sandali ang kanilang sanggol sa mga flight attendants kung gagamit sila ng palikuran.

@lovecoycoyCabin crew can also assist you and your baby❤️

♬ Angel Baby – Troye Sivan

Handa raw silang tumulong at talagang batid daw ng mga cabin crew ang gagawin sa mga panahong ito. Marami din namang mga netizens ang natuwa at pumuri sa ginawang ito ng cabin crew, wala raw itong karate-arte sa katawan lalo na sa paghawak ng isang sanggol sa kanilang biyahe.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.