Connect with us

Viral

Isang babae ang nagdala ng kaniyang mga alagang aso sa beach sa unang pagkakataon, ang mga asong ito ay disabled!

Published

on

Noon pa man ay marami na sa atin ang talagang nahihilig sa pag-aalaga ng mga hayop. Partikular na ang mga aso at pusa. Kahit pa nga medyo magastos din ang pag-aalaga ng mga ito ay hindi ito alintana ng karamihan sa atin dahil talagang nabibigyan nila tayo ng labis na kaligayahan sa buhay.

Marami sa mga alaga nating hayop ang talagang nangangailangan ng atensyon, kalinga, at pagmamahal. Halimbawa na lamang ang mga asong ito ni Salima Kadaoui.

Dinala lang naman niya ang 18 aso niya sa tabing-dagat na talaga namang tiyak na nagustuhan ng mga ito. Ang mga asong ito ay mula sa itinayo niyang sanctuary – ang “SFT Animal Sanctuary” sa Tangiers, Morocco.

Karamihan sa mga asong kinukupkop nila rito ay mayroon nang panghabang-buhay na kapansanan. Marami kasi ang naaksidente at nabangga ng motor habang ang iba naman ay tuluyan nang inabandona ng kanilang mga amo.

Buti na lamang at hindi sumuko si Salima bagkus ay nag-isip pa siya ng mas maraming paraan kung paano matutulungan ang mga aso na ito na maging masaya sa buhay kahit na sila ay inabandona at mga may kapansanan na. Hulyo 4 nang simulan niya ang pagtulong sa mga ito sa pamamagitan ng paglabas nila sa mga day trip.


Kahit pa nga paa sa harapan lamang ang mayroon ang mga asong ito ay talagang nagawa pa rin nilang makipaghabulan kay Salima sa tabing-dagat. Mayroong iba’t-ibang uri ng hayop ang kasama ni Salima – mayroong Corgi, German Shepherd, at marami pang iba.

Buti na lamang at mayroon silang doggie wheelchair kung kaya naman mas nagiging madali sa kanila ang gumalaw at tumakbo. Kapansin-pansin sa naturang video na hindi matamlay o malungkot ang mga asong ito bagkus ay talagang nabigyan sila ng pambihirang pagkakataon na maging masaya at maligayang muli sa piling ng mga taong tunay na nagmamalasakit at nagmamahal sa kanila.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.