Connect with us

Viral

Amo ng isang pusa, gulat na gulat sa kakayahan ng kaniyang alaga na manghuli ng mga daga na talagang hinihilera pa niya sa tuwing makakahuli siya!

Published

on

Talaga namang hindi biro ang pag-aalaga ng mga hayop, hindi ba? Kailangan mo talagang paglaanan sila ng oras, panahon, at salapi.

Marahil ay madalas nating marinig na talagang magastos ang pagkakaroon ng pet sa bahay dahil kailangang bilhan mo ito ng pagkaing nararapat sa kaniya, kailangan din niya ng bitamina, o di kaya naman ay buwanang pagkonsulta sa doktor. Mayroon din silang grooming na tinatawag at marami pang mga bagay na binibili para sa kanila ang kanilang mga amo tulad ng mga treats o di kaya naman ay mga laruan.

Kamakailan lamang, marami ang natuwa nang mabatid ng publiko ang kwento na ito ng isang lalaki na nag-ampon ng isang pusa upang mayroon siyang makasama sa bahay kahit papaano. Ngunit hindi niya lubos akalain na ang kaniyang alaga pala ay talagang mahusay na manghuli ng mga daga!

Isang araw pa nga ay sinabihan siya ng kaniyang ina na dalhin sa kaniya ang pusa dahil nais nitong mahuli ang mga perwisyong daga sa kanilang tahanan. Noong una ay talagang hindi sang-ayon ang may-ari ng pusa ngunit kalaunan ay hindi rin naman nito natiis ang kaniyang ina.


Kampante naman ang lalaki na hindi kayang gawin ng kaniyang pusa ang manghuli ng mga dagang ito. Ngunit nagkamali siya dahil nagpakita ng ilang mga larawan ang kaniyang ina sa kaniya kung saan makikita ang alaga niyang pusa na nakahuli talaga ng sandamakmak na mga daga!

Hindi lamang ito ang nakakagulat na ginawa ng kaniyang pusa dahil mas gusto din nitong naka-organize ang mga nahuli niyang daga! Talagang ayos na ayos ito at nakahilera pa.

Hindi lubos akalain ng amo na magagawa ito ng kaniyang alaga dahil hindi naman ito nanghuhuli ng daga sa kanila. Hindi lamang pagkagulat ang kaniyang naramdaman bagkus ay natutuwa rin ito dahil may mahusay palang talento ang kaniyang alaga na ngayon lamang nila nadiskubre.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.