Connect with us

Viral

Kilalanin ang idineklarang kauna-unahang Millenial na Santo, “Patron Saint of the Internet” at alamin ang dahilan kung bakit nga ba siya naging isang santo!

Published

on

Lingid sa kaalaman ng marami, ang bansang Pilipinas lamang ang kaisa-isang bansa sa Asya na “Kristiyanismo” ang itinuturing na national religion o pambansang relihiyon. Isa ito sa mga naging resulta nang pananakop sa atin ng mga Espanyol sa loob ng 333 taon.

Sa kabila nito ay marami na ring iba’t-ibang relihiyon ang kinikilala ngayon sa buong bansa. Ngunit hindi rin naman natin maipagkakaila na karamihan sa atin ay mga Katoliko o naging bahagi ng simbahang Katoliko.

Bilang mga Katoliko, napakarami sa atin ang nakakakilala sa Santo. Ang mga santo ay mga taong may natatanging kabutihan at kabanalan.

Ilan sa mga kilalang santo sa Pilipinas ay sina St. Philomena, St. Lorenzo Ruiz, St. Pedro Calungsod, St. Joseph, St. Francis of Assisi, St. Jude, at marami pang iba. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan din sa social media ang isang batang santo na kauna-unahang millennial saint. Siya ay tinaguriang “Patron Saint of the Internet”.

Hindi tulad ng ibang mga santo ay nakasuot lamang siyang isang track suit jacket, maong, at isang pares ng sapatos. Siya ay nakilala bilang si Carlo Acutis na isang Italyano. Siya ay itinakdang i-beatified noong Oktubre 10, 2020.


Inaprubahan ito ni Pope Francis buwan pa lamang ng Pebrero ito ay dahil sa ginawa niyang kahimalaan matapos niyang magpagaling ng isang batang lalaki na mayroong malubhang sakit sa lapay sa Brazil.

“Today we see him again in his mortal body. A body that has passed, in the years of burial in Assisi, through the normal process of decay, which is the legacy of the human condition after sin has removed it from God, the source of life. But this mortal body is destined for resurrection.” Pahayag ni Archbishop Domenico Sorrentino ng Assisi.

Sa Milan lumaki ang batang si Carlo ngunit sa edad na 15 taong gulang ay binawian na siya ng buhay. Taong 2006 nang pumanaw siya dahil sa sakit niyang kanser sa dugo.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.