Connect with us

Viral

Isang negosyante, ibinahagi ang sikreto ng kaniyang tagumpay – hindi grades o diploma ang naging batayan.

Published

on

Musmos pa lamang tayo ay talagang itinatak na ng ating mga magulang na ang pagkakaroon ng magandang edukasyon ang siyang magiging daan upang tayo ay maging matagumpay na indibidwal. Kung kaya naman ganoon na lamang ang pagsusumikap nating makakuha ng mataas na grado sa eskwela.

Nakakalungkot lamang na mayroong iilan na nagagawa pang mangopya, mangodigo, o mandaya para lamang makakuha ng mataas na grado. Hindi ito ang tamang pamamaraan upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Kailangang magkaroon ng isang mentalidad tulad na lamang ng naging paniniwala na ito ng negosyanteng si Ian Gonzales, hindi grades o diploma ang naging batayan niya ng kaniyang nakamit na tagumpay sa buhay at sa kaniyang negosyo. Ibinahagi niya sa social media ang kaniyang report card noong siya ay nasa elementarya pa lamang at kapansin-pansin na pasang-awa ang kaniyang mga nakuhang marka dito.

Halos nasa 70 hanggang 80 porsiyento lamang kasi ang kaniyang mga grado noon. Para sa kaniya, importante pa rin naman daw ang pagkakaroon ng maayos na edukasyon.

Ngunit hindi niya hinayaang maging hadlang ang mga mabababang grado niya noon upang hindi siya magtagumpay ngayon.

“Hindi grades o diploma ang batayan sa panahon ngayon. Kilos mo, galaw mo at diskarte mo yan ang labanan sa panahon ngayon. Sipag at tiyaga lang samahan muna din ng dasal, lahat tayo aasenso.” Pahayag ni Ian sa kaniyang social media post.

Dahil sa mentalidad at diskarte ni Ian ay isa na siyang matagumpay na negosyante ngayon. Ilan sa kaniyang mga negosyo ay ang Chubby Thai Parts at Classical Works Batangas.

Marami ding mga netizens ang sumang-ayon sa kaniyang naging pahayag na kailangan talagang samahan ng sipag at tiyaga ang pag-abot sa ating mga pangarap. Mahalaga rin na mayroon kang matatag na pananampalataya at determinasyon upang tiyak na malalagpasan mo ang lahat ng mga pagsubok na iyong posibleng kaharapin.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media