Connect with us

Viral

Isang Muslim ang nagpakasal sa tatlong mga babae nang sabay-sabay dahil hindi raw niya kayang magkaroon ng tatlong magkakaiba pang araw ng kasal para sa kanila!

Published

on

Bahagi ng ating kultura at tradisyon ang pagkakaroon o pagpapakasal lamang sa iisang babae o lalaki. Ang tawag dito ay “monogamy”, ito ay ang pagpapakasal sa iisang tao lamang at wala nang iba pa.

Hindi na rin naman lingid sa kaalaman nating lahat na mayroong ilang relihiyon at kultura na nagpapahintulot na magkaroon ng higit pa sa isang asawa tulad na lamang ng mga Muslim. Pinahihintulutan ang mga Muslim na kalalakihan na magkaroon ng higit pa sa isang asawang babae.

Ngunit kailangan ng pahintulot mula sa unang asawa bago pa magkaroon ng ikalawa o ikatlong asawa ang lalaking Muslim. Kailangan ding kaya ng lalaking Muslim na itaguyod ang higit sa isa niyang asawa at higit sa isa niyang pamilya.

Ngunit kamakailan lamang ay mayroong isang distrito sa Katabi, Uganda ang tila nagkaroon ng kakaibang paraan ng pagpapakasal dahil hindi raw kaya ng lalaking Muslim na hiwa-hiwalay pa ng kasal ang tatlong babaeng pakakasalan niya. Ang groom ay nakilala bilang si Mohammed Ssemanda na 50 taong gulang na.

Maraming mga netizens ang talagang nagulat nang makita ang larawan na ito ng kaniyang kasal sa tatlo niyang mga asawa. Inamin naman niyang hindi siya mayaman kung kaya naman hindi niya kayang bigyan ng magkakaiba pang kasal ang mga ito.


Para naman sa tatlo niyang mga asawa ay wala itong kaso dahil nais nila siyang pakasalan hindi dahil sa kaniyang pera kundi dahil sa pag-ibig ng mga ito sa kaniya. Ayon sa mga nauna nang artikulo, ang isa sa mga kababaihang ito ay si Salmat Naluwugge, 48 na taong gulang na siya at asawa na siya ni Mohammed Ssemanda nang halos 20 taon.

Nagdesisyon din siyang sumama na sa kasal upang maging simbolo na rin ito ng kanilang “marriage renewal”. Mayroon na silang limang mga anak.

Habang ang ikalawa at ikatlong asawa naman ni Mohammed Ssemanda ay magkapatid at mayroon na ding kaniya-kaniya nilang mga anak.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.