Connect with us

Viral

Isang mapagmahal na mister, nagtanim ng libo-libong mga bulaklak upang maamoy ng kaniyang bulag na asawa!

Published

on

Sina Mr. at Mrs. Kuroki ay naninirahan sa isang probinsiya sa Japan kasama ang dalawa nilang mga anak. Dahil sa talagang hilig nila ang napakagandang kapaligiran ay nagdesisyon silang lumipat sa isang dairy farm.

Wala namang naging problema ang pamilya at talagang naging masaya sila sa kanilang pagtira sa lugar na ito. Ngunit dumating ang isa sa pinakamabigat na pagsubok sa kanilang sambahayan.

Ito ay nang magkaroon ng sakit na diabetes ang kanilang ina na si Mrs. Kuroki. Dahil sa sakit niyang ito ay nawalan na siya ng paningin at tuluyang nabulag.

Dahil sa nangyaring ito, labis na nalungkot ang ginang at nawalan na ng gana sa maraming mga bagay. Labois naman itong ikinabahala ng kaniyang asawa at mga anak.

Nagsimula kasi siyang umiwas na sa kaniyang pamilya na tila inilalayo ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang mahirap na kalagayan. Dahil sa ayaw makita ni Mr. Kuroki na nahihirapan ang kaniyang asawa, nag-isip siya ng paraan kung paano ito mapapasiglang muli.

Nagdesisyon siyang gumawa ng isang munting hardin ng mga bulaklak para sa kaniyang asawa upang kahit bulag na ito ay maamoy pa rin niya ang halimuyak ng mga bulaklak. Kahit pa nga kakaibang karanasan na ito para kay Mrs. Kuroki dahil hindi na siya nakakakita, unti-unti pa rin siyang sumigla.


Dahil sa napansin ng kaniyang mister ang magandang pagbabago sa kaniya ay nagpatuloy pa ito sa pagtatanim ng mas maraming mga bulaklak nang sumunod na mga taon. Hindi nagtagal at talagang napuno na ng bulaklak ang kanilang dairy farm dahilan upang mapansin na din ito ng kanilang mga kapitbahay na talagang labis na namangha sa napakagandang tanawin!

Kung noon ay si Mrs. Kuroki lamang ang naliligayahan dahil sa munting harding ng kaniyang asawa, ngayon ay mas marami pang mga turista ang talagang namamangha at napapangiti sa tuwing makikita ang napakagandang tanawin na ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media