Connect with us

Viral

Isang magsasaka, pininturahan ng itim na mga guhit ang kaniyang aso upang magmukha itong tigre dahil sa mga unggoy na sumisira sa kaniyang mga pananim!

Published

on

Marami ang nagkomento sa ginawang ito ng isang magsasaka upang maiwasan ang pagsalakay muli ng mga unggoy sa kaniyang pananim. Naisipan niya kasing pinturahan ng kulay itim na guhit ang kaniyang aso upang matakot at tuluyang maitaboy ang mga unggoy na ito.

Ang wais na magsasakang ito ay nakilala bilang si Srikanth Gowda na mayroong coffee plantation sa Karnataka. Ilang linggo na rin ang nakalilipas nang dagsain ng mga unggoy ang kaniyang plantasyon dahilan upang masira ang kaniyang mga pananim.

Dahil sa insidenteng ito ay nagdesisyon siyang gawin muli ang natutunan niyang pamamaraan mula sa kaniyang matalik na kaibigan apat na taon na ang nakararaan. Naglagay siya ng isang estatwa ng tigre sa harapan ng kaniyang plantasyon na naging dahilan upang matakot ang mga unggoy na ito.

Ngunit naging panandalian lamang ito. Nang kumupas na ang pintura ng kaniyang estatwa ay unti-unti na namang nagbabalikan ang mga unggoy at sinisira ang kaniyang mga pananim.

Nang muli na namang sumalakay ang mga ito ay nagdesisyon na siyang pinturahan ang aso niyang si Bulbul. Sa unang tingin ay aakalain mong tigre talaga ang asong ito dahil natural ang kaniyang kulay brown na balat.

Matapos nito ay palagian na niyang dinadala si Bulbul sa kaniyang plantasyon, umaga at gabi upang maitaboy ang mga mapanirang unggoy.

“I saw them all running around after seeing Bulbul,” said the farmer. The monkeys do not dare enter my field now.” Pahayag ni Srikanth.

Nilinaw din naman ni Srikanth na ang pinturang ito sa katawan ng kaniyang aso ay black hair dye at hindi nakasasama sa mga hayop. Makalipas daw ang isang buwan ay mawawala din ito.

Maliban sa ginawa niyang ito ay naglagay din siya ng mga posters ni Bulbul at ng ilang totoong tigre sa kaniyang plantasyon upang madalas na makita ng mga unggoy na magtatangkang manira rito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media