Connect with us

Viral

Isang kambal na sanggol, kalunos-lunos ang sinapit matapos silang atakihin ng isang labrador na alaga mismo ng kanilang pamilya!

Published

on

Ang mga aso ang itinuturing na “Man’s best friend” kahit noon pa man. Talaga kasing napakatapat at masunurin ng mga ito sa kanilang mga amo. Marami na tayong nababalitaang magaganda at nakakamanghang balita patungkol sa mga alagang hayop o pets kung tawagin ng nakararami sa atin.

Ngunit kamakailan lamang ay marami ang nabigla matapos maibalita ang kagimbal-gimbal na pangyayaring ito. Isang alagang Labrador kasi ang umatake mismo sa isang kambal na sanggol!

Ito ay naganap sa Piripa, Brazil kung saan naninirahan ang amo ng naturang aso na si Elaine Novais. Halos 26 na araw pa lamang matapos niyang isilang ang kambal niyang sina Anne at Analu.

Isang araw, habang nakikipag-usap siya sa kaniyang kapitbahay ay mayroon silang narinig na ingay na nagmumula sa kanilang kwarto. Agad niya itong tiningnan at talagang nagulantang siya sa nakita niya.

Inatake kasi ng alaga nilang Labrador ang kaniyang kambal na sanggol! Agad niyang tinawagan ang kaibigan niyang nars upang lapatan sila ng first aid hanggang sa makarating ang ambulansiya.

Sinikap lapatan ng paunang lunas ang mga sanggol ngunit wala nang buhay ang isa sa mga ito nang makarating sila sa Maria Pedreira Barbosa Municipal Hospital. Habang ang isa naman ay nasa kritikal na kalagayan.

Hindi nagtagal at binawian na rin ng buhay ang isa pa sa kambal. Labis ang kalungkutan at pangungulila ng mag-asawa ngayon lalo na at siyam na taon din nilang ipinagdasal na mabiyayaan sila ng anak.

Marami naman ang nagpabatid ng pakikiramay sa pamilya dahil sa nangyaring insidente. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring ulat kung ano ang ginawa ng pamilya sa naturang aso na matagal na rin sa kanila at itinuring nilang bahagi ng kanilang sambahayan.

Tunay ngang nakakabigla ang ganitong klase ng mga balita kung kaya naman mas dapat tayong maging maingat at mapagbantayan lalo na at hindi din naman natin batid kung kailan mangyayari ang mga kalunos-lunos na insidenteng tulad nito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media