Connect with us

Viral

Isang grupo ng mga dolphins ang nagtaboy sa isang pating nang nagtangka itong lumapit sa grupo ng ilang mga divers!

Published

on

Ilang taon din tayong nawalan ng pagkakataong maglibang, bumiyahe, at makisalamuha sa maraming tao dahil sa pandemya. Kung kaya naman talagang maraming mga tao ngayon ang nagsisimula nang bumiyahe at magbakasyon.

Hindi na masyadong takot ang publiko dahil kahit papaano ay may bakuna na rin ang karamihan sa atin. Isa na marahil sa kanila ang Australian chef na si Dennis Tierney. Ngunit nang minsan siyang nag-scuba diving sa Lord Howe Island sa Tasman Sea ay hindi niya inaasahan na magkakaroon pala ng ilang mga pating sa lugar kung nasaan sila.

Sa naturang mga video ay makikita ang ilang mga dolphins na tila nagtataboy ng mga Galapagos shark. Namataan nila mismo sa kanilang bangka na mayroon palang ilang mga pating na umaali-aligid na sa kanila.

Nang nasa tubig na sila ay nakita rin nila ang ilang mga dolphins na sila pumoprotekta sa kanila. Marami din ang nakapansin sa ilang mga dolphins na tila nais makipaglaro sa kanila.

Ngunit nang may nagtangkang lumapit sa kanilang pating ay agad itong itinaboy ng ilang mga dolphins!

“There was one shark who was braver than the others and was getting closer when, suddenly, the dolphins lost interest in us and dove down to the shark and chased it away,” Pahayag ni Tierney.
“I’ve heard about the myth of protective dolphins chasing away sharks but I never believed it.” Dagdag pa niya.

Laking pasasalamat din niya na iniligtas at prinotektahan sila ng mga dolphins na ito dahil kung hindi ay baka mayroon nang hindi magandang nangyari sa kanila.

“I was amazed, felt protected and my heart was warmed—what a moment. I was super glad I videoed it because my story would be just another myth.” Komento pa niya.

Tunay nga na likas na mabait at mapaglaro ang mga dolphins na ito kung kaya naman madalas tayong makarinig ng mga naging karanasan din ng mga taong naililigtas at nakakalaro nila.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media