Connect with us

Viral

Isang gasoline boy, nagawang maipatayo ang kaniyang “dream house” dahil na rin sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga sa trabaho!

Published

on

Madalas na nating naririnig ang mga salitang kaniya kaniya lamang tayo ng krus na pinapasan sa mundong ito. Maaaring pare-pareho tayong may problema at humaharap sa matinding pagsubok sa buhay ngunit mayroon tayong kaniya-kaniyang nating pamamaraan kung paano natin malalagpasan ang mga ito.

Kamakailan lamang ay talagang umantig sa puso ng publiko ang kwento ng isang gasoline boy na ito na nagawang maipatayo ang pangarap niyang bahay dahil na rin sa pambihirang sipat at tiyaga niya sa trabaho. Sinong mag-aakala na sa hindi kalakihan niyang kita sa araw-araw ay matatapos din ang kaniyang dream house?

Ang masipag at nakakabilib na gasoline boy na ito ay nakilala bilang si Igue G. Varra na 26 na taong gulang na. Marso 2020 nang magsimula ang pinapatayo niyang bahay ngunit ito rin ang kasagsagan ng pandemya.

Ayon sa ilang mga artikulo, ang pinagawa niyang bahay ay umabot ng Php250,000 at nagdagdag pa siay ang halagang Php25,000 upang maipagawa ang grills at iron gate nito. Ang kaniyang bahay ay mayroong sukat na 22 ft x 24 ft.

Sa sukat na ito ay marami nang mailalagay sa loob ng kaniyang bahay at tiyak na maganda rin ang kalalabasan nito kapag natapos. Moderno din daw ang disenyo ng bahay na ito na mayroong dalawang silid at isang banyo.


Mayroon din itong isang balkonahe, sala, at maliit na kusina na mayroong ding daanan papunta sa kanilang likod bahay. Inamin din ni Igue na siya mismo ang gumawa ng floor plan ng kaniyang dream house kung kaya naman para sa kaniya at napakalaking bagay na ang makita niyang naisakatuparan ang dati ay pangarap lamang niya.

Tunay nga na kahit gaano pa kahirap o kaimposible ang isang bagay, kayang-kaya itong maisakatuparan basta’t pagsusumikapan at sasamahan ng panalangin ang mga ito. Nakakamangha at talaga namang nagsilbing inspirasyon si Igue para sa maraming mga Pilipino anuman ang kanilang estado sa buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.