Connect with us

Viral

Isang estudyanteng nagtatrabaho bilang isang nanny makapag-aral lamang sa kolehiyo, naging Top 1 sa licensure board exam!

Published

on

Naging napakagandang inspirasyon sa publiko ang 26 taong gulang na si Maricris Colipano na mula sa Brgy. Upper Natimao-an sa Carmen, Cebu. Nito kasing nagtapos na Licensure Examination for Teachers (LET) elementary level noong Marso 2022 ay naging Top 1 siya!

Nakakuha siya ng rating na 92.40%. Nakapagtapos siya ng kaniyang kolehiyo sa Cebu Technological University (CTU) Carmen Campus. Ang kaniyang ama ay isang magsasaka habang nagtatrabaho naman bilang isang barangay health worker ang kaniyang ina.

Dahil sa wala silang pera upang masuportahan ang kaniyang pag-aaral ay nagdesisyon siyang huminto muna sa pag-aaral at magtrabaho. Nakahanap siya ng trabaho bilang isang nanny at nagsimula siyang mag-ipon ng kaniyang pampaaral mula sa kaniyang kinikita rito.

Nang siya ay naging 18 taong gulang na ay nagtrabaho naman siya sa isang kompanya kung saan nakaipon siya ng kaniyang pang-kolehiyo kasabay ng pagsuporta niya sa kaniyang mga magulang. Bagamat medyo na-late o nahuli man siya sa pag-aaral dahil ang kaniyang mga kaklase ay 19 na taong gulang lamang, hindi pa rin siya tumigil bagkus ay mas nagsumikap pa siya ng husto.

Nakapagtapos siya bilang cum laude noong Mayo 2019 at kumuha naman siya ng LET exam nitong Marso 2022. Sa kabila nang napakaraming pagsubok na kaniyang naranasan ay hindi siya huminto sa at hindi siya sumuko.


Kung kaya naman laking pasasalamat niya nang sa wakas ay malaman niyang nakapasa na nga siya sa board exam at nanguna pa siya rito. Sinong mag-aakala na magagawa niya pala ang maging Top 1!

Dahil dito ay mas maraming mga biyaya at oportunidad ang kumatok sa kaniyang pintuan. Hindi lamang monatery reward mula sa kaniyang alma mater ang kaniyang natanggap kundi mas marami pang alok na trabaho.

Sa kabila ng mga job offers na natatanggap niya ay nais daw muna niyang maranasan maging isang volunteer teacher. Talaga namang nakakabilib at nakakamagha siya, hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media