Connect with us

Viral

Isang estudyante mula sa Leyte nagwagi ng 20 milyon sa isang International Science competition kung saan tinalo niya ang 11,000 entries ng ibang mga bansa!

Published

on

Edukasyon ang isa sa pinakamahalang bagay na nais ng ating mga magulang na gawin nating prayoridad. Dahil mas maganda ang magiging kinabukasan ng maraming kabataan kung magtatapos sila ng kanilang pag-aaral.

Sa panahon natin ngayon, talagang napakahalaga ang magkaroon tayo ng sipag, tiyaga, at talino upang makamit natin ang inaasam nating tagumpay. Kamakailan lamang ay nagbigay inspirasyon sa maraming mga Pilipino ang isang estudyanteng ito mula sa Leyte matapos siyang tanghaling kampeon sa isang International Science Competition.

Nag-uwi lang naman siya ng tumataginting na 20 milyong piso kabilang na ang reward sa kanyang guro at paaralan at scholarship grant. Tiyak na marami pa ang nakakaalala sa matinding bagyong Yolanda na humagit noon sa Leyte taong 2013.

Isa ang pamilya ng estudyanteng si Hillary Diane Andales sa mga nakaranas ng matinding bagyong ito.

“We had to run up to our double-deck bed kasi we didn’t have a second floor. My dad punched the ceiling tapos doon na lang kami sa steel trusses of the roof. We held on to those steel trusses for 7 hours until the storm surge subsided,” Pagkukwento ni Andales.


Ang karanasang ito ang isa sa mga naging inspirasyon niya upang magsumikap sa pag-aaral na naging dahilan din upang makapagbigay siya ng karangalan sa bansa. Sa higit 11,000 mga nakilahok sa naturang kompetisyon ay siya ang nag-uwi ng grand prize sa Breakthrough Junior Challenge.

Ang kaniyang proyektong “Relativity and the Equivalence of Reference Frames” ang siyang nagpamangha sa mga hurado. Ipinaliwanag n’ya sa malikhain at simpleng paraan ang “Theory of Relativity” sa tulong lamang ng cellphone at pick-up truck.


“If I don’t think about my time as money, I spend it mindlessly. Hindi ko siya iniisip na valuable siya when in fact it is a limited resource.” Kwento niya.


“It’s a good way to look back on my growth,” Pagbabahagi pa niya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media