Connect with us

Viral

Isang bride, hindi napigilan ang kaniyang luha nang sorpresahin siya ng kaniyang Pinay nanny sa araw mismo ng kaniyang kasal!

Published

on

Napakaraming mga kababayan nating Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa para lamang maisakatuparan ang kanilang pangarap na magandang buhay para sa kanilang mga pamilya. Hindi nila alintana ang pagkakaiba ng mga kultura, tradisyon, at panahon sa mga dayuhang bansa na ito kumita lamang ng mas malaki para sa kanilang mga pamilya.

Sa panahon kasi natin ngayon, kahit anong pagsusumikap at pagtitiyaga mo dito sa Pilipinas ay talagang napakatagal o napakaimposible ang makaahon ka agad sa hirap. Kung kaya naman hindi na nagtataka ang marami kung bakit maraming mga magulang – mga anak – babae man o lalaki ang talagang umaalis at nakikipagsapalaran na sa ibang bansa.

Tayong mga Pilipino ay kilala din naman sa ibang bansa bilang masisipag at talagang matitiyaga sa ating mga trabaho. Halimbawa na lamang ang napakarami nating mga OFW na domestic helper o nanny sa ibang bansa.

Madalas ay napapamahal sa kanila ang kanilang mga alagang bata dahil talagang tunay na anak na kung ituring nila ang mga ito. Kadalasan ay maliit pa lamang ang kanilang mga alaga o mga sanggol pa lamang ay sila na mismo ang nag-aalaga sa mga ito.


Dahilan upang mas maging malapit sila sa mga ito kaysa sa kanila mismong mga magulang. Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa isang bride na ito nang hindi niya mapigilan ang kaniyang emosyon nang makita ang kaniyang Pinay nanny na nagpalaki sa kaniya sa araw mismo ng kaniyang kasal.

Ang bride na si Kelly Chua ay lumaki sa pangangalaga ng kaniyang nanny na si Yaya Lita. Sa ngayon ay 72 taong gulang na siya at ang kapatid mismo ni Kelly ang gumawa ng paraan upang makarating si Yaya Lita sa kasal ni Kelly.

“She’s like a second mother to me. She’s 72 this year, and I really don’t know when’s the next time I’ll be able to see her again. It really means so much to me that she’s able to attend my wedding,” Pahayag ni Kelly.

Halos 27 taon ding nanilbihan si Yaya Lita sa pamilya nina Kelly bago ito tuluyang umuwi sa Pilipinas. Laking pasasalamat din naman ni Kelly sa sopresang ito dahil mas naging makabuluhan at di malilimutan ng araw ng kaniyang kasal.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.