Connect with us

Viral

Isang aso na nakakuha ng isang kakaibang bagay habang naglalaro at naghuhukay, nagdulot ng labis na kasiyahan sa kaniyang amo!

Published

on

Ang mga aso ay kilala bilang “Man’s best friend.” Talaga namang pambihira ang kanilang katapatan sa kanilang mga amo.

Kahit pa nga buhay pa nila ang maging kapalit ay talagang hindi nila ito pag-iisipan pa. Ang mga hayop din tulad ng mga aso ay madalas na makukulit, mahaharot, at mapaglaro.

Madalas ay gustong gusto nila ang nakikipaglaro at nakikipaghabulan ngunit gusto din naman nila ang maghukay nang maghukay ng lupa. Kamakailan lamang ay isang Brazilian dog ang kinagiliwan ng marami matapos ibahagi ng kaniyang amo ang kalokohan ng kaniyang alaga.

Ang aso na ito ay nakilala sa pangalang Pandor. Umuwi ito sa kaniyang amo na si Lucas Alves Magalhães na mayroong dala-dalang kakaibang bagay.

Ang bagay na ito ay nakita ni Lucas na nasa bibig mismo ni Pandora. Isa itong lumang pustiso at talagang hindi napigilan ni Lucas na humalakhak ng husto.

Habang naghuhukay at naglalaro kasi si Pandora sa kanilang bakuran ay tiyak na doon niya ito nakuha. Marahil ay hindi sinasadyang nakagat at sumakto ito sa kaniyang bibig.
“I couldn’t see what it was, so I called her in. When I lifted her head, I almost died from laughing.” Pahayag ni Lucas.

“They may have changed their dentures and buried this one in the backyard. There’s no other explanation, because I know it’s not ours,” Dagdag pa niya.

Nilinaw din niya na kinuhanan lang niya ng larawan si Pandora ng makita ang pustisong naiwanan sa kaniyang bibig pagkatapos nito ay agad din naman niya itong tinanggal at tinapon na sa basurahan. Ngunit tila hindi ito nagustuhan ng kaniyang alaga at nalungkot dahil wala na ang kaniyang laruan.

Tunay ngang nakakatuwa ang magkaroon ng malusog at masayahing alaga lalo na kung tayo ay nasa bahay lamang. Tiyak na malilibang tayo at mas mababawasan ang stress at pagod natin sa araw-araw.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media