Connect with us

Viral

Isang aso na inabandona na ng kaniyang amo, nailigtas ng isang pulis at ngayon ay may bago nang pamilya!

Published

on

Isa na marahil sa mga problema ng Pilipinas sa ngayon ang parami nang paraming mga abandonadong hayop. Kadalasang pusa at aso ang nakikita natin sa mga parke, bakanteng lote at iba pang mga lugar na pinag-iiwanan ng mga kawawang hayop na ito.

Naiiwanan silang gutom, may sugat, o may sakit. Nakakalungkot ding isipin na karamihan sa kanila ay dito na rin nawawalan ng buhay habang hinihintay ang kanilang mga amo na akala nila ay babalikan pa sila.

Isang boxer-pit bull mix dog ang natagpuan ng isang pulis sa pampublikong parke sa Bloomington, Indiana. Nakakaawa ang kalagayan nito dahil sa halatang gutom na gutom na at mayroon ding sakit ang kawawang aso.

Dahil maraming mga tao ang nakakita sa mahirap na kalagayan ng aso ay agad nila itong ipinagbigay-alam sa kinauukulan. Agad din namang tumugon si Officer Jeff Ripley at nailigtas ang kawawang aso.

Pinangalanan ni Officer Ripley at ng kaniyang fiancée na si Rosie Ahlberg na Daisy ang aso na isinakay nila sa kanilang sasakyan. Nang makarating na sila sa animal shelter ay sarado ito kung kaya naman agad na nagdesisyon ang dalawa na sa bahay na muna nila dalhin ang aso.

Nang kinabukasan ay agad din namang dinala ni Ahlberg si Daisy sa isang animal shelter kung saan siya ay isang regular volunteer. Matapos linisan nang sugat ay sinuri din nila ang aso kung saan nila nalaman na posibleng nakaranas din pala ito ng emosyonal na pang-aabuso.


Nang hanapin nila ang amo nito ay napag-alaman nilang pang-apat na palang amo ni Daisy ang nag-abandona sa kaniya. Nang malaman nina Officer Ripley at Ahlberg ang naging karanasan na ito ni Daisy ay hindi na sila nagdalawang-isip pa na kupkupin na ito.

Para sa kanila ay panahon na upang makaranas naman ng pagmamahal ang asong si Daisy.


“We really wanted to give this dog a chance to know love and what a good home is,” Pahayag ni Ahlberg.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media