Connect with us

Viral

Isang antok na antok na aso, hinayaang maglaro at tumalon sa kaniya ang mga batang kambing!

Published

on

Kinagiliwan at kinatuwaan ng maraming mga netizens ang asong si Lil Z “the Great Pyrenees dog” dahil kahit na pagod na pagod ito ay talagang hinayaan niya ang mga batang kambing na maglaro sa kaniyang harapan. Mapapansin sa naturang video ang mga batang kambing na walang takot na tumatalon sa katawan ng pagod at natutulog na si Lil Z.

Napakakulit at talaga namang punong-puno ng enerhiya ang mga kambing sa kanilang paglalaro. Marahil kung ibang hayop ito ay talagang maiinis na at tangkang kakagatin ang mga kambing na ito.

Ngunit para sa mabait na aso ay talagang hinayaan lang niya ang mga munting kambing na ito. Nang minsang maalimpungatan sa kaniyang pagkakatulog ang aso ay tila nagtatanong ito sa mga kambing kung ano ang kanilang ginagawa at kung bakit sa katawan pa niya sila naglalaro.

Makalipas ang ilang segundo ay agad din naman siyang bumalik sa pagtulog, nag-iba lamang siya nang posisyon upang siya ay maging komportable. Sa video ay makikitang muli na namang naglaro sa kaniyang katawan ang mga makukulit na kambing.

Tunay ngang nakakatuwang makakita ng mga ganitong pangyayari. Magkaiba man ang kanilang lahi ay tila naiintindihan nila ang isa’t-isa.

Kahit pala magkaiba ay maaari pa ring magkasama o magkasundo tulad na lamang ng kambing at ng asong ito. Kung kaya ng mga hayop na ito na magkasundo sa kabila ng malaki nilang pagkakaiba, tiyak na makakaya din natin ito lalo na at mas may isip naman tayong mga tao at mayroon din tayong “free will”.

Tulad na lamang ng kasalukuyang nangyayari ngayon sa ating bayan na marami man tayong pagkakaiba sa ating mga paniniwala, palagi pa rin natin sanang pakatandaan na magkaroon ng respeto sa ating kapwa tao, sa ating mga kababayang Pilipino. Wala rin naman tayong ibang nais kundi ang ikabubuti ng buhay ng sambayanang Pilipino at hindi natin ito makakamit kung tayo ay mag-aaway-away.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media