Connect with us

Viral

Isang 7 taong gulang bata ang nag-imbenta sa isang magandang babaeng sumayaw sa gitna ng maraming tao!

Published

on

Tayong mga Pilipino ay kilala bilang likas na masayahin. Noon pa man kahit marami tayong problema at pinagdaraanan ay hindi pa rin natin nakakalimutang maging positibo sa buhay.

Nitong mga nagdaang taon ay naranasan natin ang pandemya na talagang sumubok hindi lamang sa buong pagkatao natin kundi maging sa katatagan ng ating pananampalataya. Mas mainam talaga ang maging masayahin kaysa ang magmukmok na lamang sa isang tabi hindi ba?

Lalo na kung halimbawang dumalo ka sa isang pagtitipon, kailangan na magsaya ka at mag-enjoy ka dahil hindi naman araw-araw ay magkakaroon tayo ng pagkakataon na makadalo sa mga pagdiriwang o pagtitipon na ito. Patok na patok sa mga espesyal na okasyon ang pagkakaroon ng sayawan, kantahan at kasiyahan hindi ba?

Talaga namang walang magpapaawat sa atin na magsaya sa mga pagtitipon na ito. Madalas din ay dito natin nakikita ang mga lalaking madalas na nagyaya ng sayaw sa mga magagandang babae o sa mga babaeng nagugustuhan nila.

Ngunit ano nga ba ang iyong gagawin kung sakaling mayroong isang cute na batang magyaya sayong sumayaw? Makakaya mo ba siyang tanggihan?

Marami ang natuwa sa video na ito ng isang pitong taong gulang na batang lalaki na walang kakabaa-kabang nagyaya sa isang magandang babaeng nakasuot ng kulay pula na magsayaw sila sa gitna ng maraming tao. Ayon sa ilang mga netizens, marahil ay gusto lamang maglaro ng bata kung kaya niyaya niya ang magandang babae.

Ngunit hindi nagtagal ay ipinamalas na nga ng batang ito ang natatangi niyang galing sa pagsasayaw! Namangha at nagulat ang lahat ng makita ang batang ito na talagang todo-hataw sa kaniyang pagsasayaw.

Tiyak na proud na proud ang kaniyang mga magulang dahil ang inaakala mong bata pa lamang ay todo-indak na sa pagsasayaw. Maraming mga netizens din ang nagsasabing tiyak na batang-bata pa lamang ang batang ito ay sinanay na siya ng kaniyang mga magulang.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media