Connect with us

Viral

Twin brothers at twin sisters nagpakasal. Nabuntis din agad ang dalawa at aakalain mong magkakambal din ang kanilang mga naging anak!

Published

on

Maraming nakakamangha at nakakabilib na bagay tayong nakikita at nababalitaan dahil na rin sa laganap na talaga ang social media at internet. Kadalasan ay namamangha tayo, nagagalit, at nagugulat sa iba’t-ibang mga balitang ito ngunit sa panahon natin ngayon ay mas mainam pa rin na mayroon tayong kaalaman patungkol sa mga nagaganap sa ating paligid.

Kamakailan lamang ay nagulat ang publiko sa kakaibang kwento na ito ng kambal na magkapatid na lalaki at kambal ding magkapatid na babae. Umibig at napamahal sila sa isa’t-isa hanggang sa nagdesisyon silang magpakasal na.

Hindi nagtagal ay nagdalang-tao din ang magkakambal na babae sa parehong panahon. Nang isilang nila ang kanilang mga sanggol ay mayroong malaking pagkakamukha ang mga ito.

Sina Brittany at Briana ay identical sisters mula sa Ohio, USA. Hilig nilang magsuot ng magkaparehong damit at pareho din sila palagi ng hairstyle.

Madalas na hindi sila kayang kilalanin ng ibang tao sa unang tingin lamang dahil sa sobrang pagkakatulad nila. Sa isang festival ay nakilala nila ang isang pares din ng kambal na agad din naman nilang nakapalagayan ng loob.

Nagpakasal si Brittany sa kuya habang sa bunsong lalaki naman ikinasal si Briana. Taong 2017 nang maganap ang pagkikita nila nina Josh at Jeremy.
Nang sumunod na taon ay agad din naman silang nagpakasal. Magkamukhang-magkamukha ang wedding gown nina Briana at Brittany, maging ang kanilang ayos.

Nanirahan sila sa iisang bubong nang magkasama. Madalas pa rin silang magdamit nang magkakapareho at madalas nila itong kinukuhanan ng mga litrato. Nang magbuntis naman ang kambal na babae ay iisang OB-Gyne lang din ang kanilang kinokonsulta.

Parehong araw din nang sila ay manganak kung kaya naman labis labis ang kaligayahan ng dalawang pares ng kambal. Dahil sa parehong kambal ang mga magulang ng dalawang sanggol ay malaki talaga ang tiyansa na isilang sila nang parang kambal din.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.