Connect with us

Viral

Pagsimangot ng isang dalawang taong gulang na batang ito, kinatutuwaan ngayon ng maraming mga netizens!

Published

on

Walang ibang nais ang ating mga magulang kundi ang maging masaya ang kanilang mga anak sa anumang desisyon nila sa buhay. Habang bata pa ay sinisikap din nilang magabayan ang kanilang mga anak sa abot ng kanilang makakaya.

Hindi madali ang maging isang magulang ngunit mapapansin naman natin na palaging ginagawa ng mga magulang ang pinakamainam para sa kanilang mga anak. Kung madalas na gusto ng ating mga magulang na tayo ay masaya at nakangiti, naliligayahan naman ang mag-asawang ito na makita ang kanilang anak na nakasimangot o busangot ang mukha.

Kinagigiliwan kasi ngayon sa social media ang dalawang taong gulang na batang ito mula sa South Korea. Siya ay nakilala bilang si Roan. Talaga namang kahit nakasimangot ang kaniyang mukha ay maliligayahan kang makita ang cute na cute na ekspresyon ng kaniyang mukha.

Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit sa 43,000 na mga followers sa kaniyang sariling Instagram account. Madalas na masisilayan dito ang kaniyang mga larawan kung saan siya ay nakasumalmal dahil sa napakatagal na pagdating ng order nilang pagkain.

Nangyayari din na minsan ay ayaw ni Roan ang suot suot niyang damit kung kaya naman nagsisimangot din ito. Maging sa pagupitan ay hindi rin maiaalis ang ganitong mukha ni Roan lalo na kung masyadong napaikli ang gupit sa kaniyang bangs.


Nang minsang hinihintay niya ang kaniyang mga magulang upang sila ay maglakad-lakad sa labas ay namataan din itong nakasimangot. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nakasimangot si Roan.

Napakaganda rin ng kaniyang mga ngiti maging ang kaniyang mahimbing na pagtulog at kahit pa nga ang ilang beses niyang pag-iyak ay napaka-cute din lalo na sa edad niya ngayon na batang-batang pa. Tunay nga na malambot ang ating puso pagdating sa mga batang tulad ni Roan.

Sobrang inosente pa rin kasi sila kahit na marami na silang nagagawa at nasasabing mga salita sa kanilang murang edad.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.