Connect with us

Viral

Matandang mag-asawa na tila nagpapaalam sa isa’t-isa habang nakaratay sa ospital, umantig sa puso ng marami dahil sa wagas nilang pagmamahal para sa isa’t-isa!

Published

on

Napakarami na din nating dinanas nitong mga nagdaang taon. Hindi lamang sakuna at kalamidad kundi maging ang pandemya na talagang naranasan ng halos lahat ng tao sa buong mundo.

Sa kabila ng mahirap at talagang nakakatakot na karanasan nating ito ay marami pa rin sa atin ang natuto sa kaganapan na ito. Tulad na lamang halimbawa ng isang matandang mag-asawa na ito na nagpatunay ng wagas na pag-ibig sa kabila kasi ng kanilang karamdaman ay talagang ginusto pa rin nilang magkaroon ng oras para sa isa’t-isa.

Lingid sa kanilang kaalaman ay ito na rin pala ang magiging huling beses na magkikita silang dalawa. Dekada 80 pa nang sila ay magsama ngunit hindi naging hadlang ang mahabang panahon upang sila ay magmahalan ng wagas hanggang sa huli.

Sa isang maiksing video na kumakalat sa social media ngayon ay makikita ang video ng isang matandang babae at isang matandang lalaki na parehong nakahiga sa kanilang hospital beds. Hindi na nila kayang tumayo dahil sa kanilang karamdaman ngunit nagawa pa rin nilang maghawak ng kamay at tila ba namamaalam na rin sila sa isa’t-isa.

Hirap nang huminga ang matandang babae habang ang kaniyang asawa naman ay talagang hawak-hawak ang kaniyang kamay na tila ba pinapalakas ang kaniyang kalooban. Ayon sa ilang mga nauna nang artikulo, ang naturang video ay kuha sa intensive care unit sa Xindu No.3 People’s Hospital sa Chengdu, Sichuan province.

Napakarami nang likes at comments ng 15 minutong video na ito. Ibinahagi rin ito ng Chinese embassy spokesperson sa Panama na si Jiang Wei.

“What does a couple mean? Two elderly patients of coronavirus in their 80s said goodbye in ICU, this could be the last time to meet and greet,” Pahayag niya.

“In this life, maybe I’ll never see her again. I want to see her,” Pahayag naman ni Zhang na nasa video, 85 taong gulang sa kaniyang mga anak.

Marami na ring karamdaman si Zhang kung kaya naman kinailangan na niyang ipasok sa ospital habang ang kaniyang misis naman na si Wen ay mayroong Alzheimer’s disease. Nang sumunod na araw ay tuluyan na ring lumisan si Wen at naiwan ang kaniyang mister na nagpapagaling pa sa ospital.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.