Connect with us

Viral

Mag-asawang security guard, nagsilbing inspiasyon sa publiko matapos nilang makapasa sa board exam!

Published

on

Lahat naman tayo ay may kaniya-kaniyang dalahin sa buhay. Hindi maipagkakaila na kaniya-kaniya rin tayo ng pamamaraan kung paano natin ito masosolusyunan at mapagtatagumpayan.

Tayong mga Pilipino, parang natural na lamang sa atin ang maging pursigido at determinado sa buhay. Tila ba wala sa ating mga bokabolaryo ang pagsuko sa mga hamon ng buhay.

Isang napakagandang halimbawa na marahil ang mag-asawang Reyner at Nurhima Bahulluk mula sa Sulu. Habang sila kasi ay nagtatrabaho bilang mga security guard o guwardiya ay nag-rereview din sila para sa LET (Licensure Exam for Teachers).

Batid naman natin na hindi rin biro ang kanilang trabaho. Malaking oras ay ginugugol talaga nila nang nakatayo at maiging nagbabantay para sa kaligtasan ng establiyemento, ng mga nagtatrabaho dito, at ng kanilang mga kostumer. Mahirap man ay hindi sila pinanghinaan ng loob.

Taong 2015 pa nang makapagtapos ng Bachelor’s degree in Fishery Education si Reyner. Nagpakasal sila bago pa man sila magtapos sa kolehiyo. Tinulungan din niyang makapagtapos si Nurhima ng kursong Elementary Education.

Pareho silang nabigo sa unang pagkakataon ngunit taong 2019 ay nakapasa na si Nurhima sa board exam. Nagbitiw siya agad sa kaniyang trabaho bilang guwardiya at saka siya pumasok bilang isang volunteer teacher sa Sulu.

Naging napakalaking pagsubok naman nito para kay Reyner na kinailangang sumubok ng anim na beses maipasa lamang ang board exam. Malayo din siya sa kaniyang pamilya dahil sa Zamboanga City siya nagtatrabaho.

Ngayong nakapasa na siya ay nais na rin niyang makauwi sa kaniyang pamilya at doon na rin magtrabaho bilang isang guro upang makapagsama-sama na sila. Isa na marahil sa kanilang kinaharap noon ay ang diskriminasyon ng mga tao sa kanilang paligid.

Ito ay dahil daw sa kanilang trabaho at pagiging Muslim. Ngunit sa kabila nito ay talagang nagsumikap sila nang husto hanggang sa makamtan nila ang matagal na nilang inaasam para sa kanilang pangarap at sa kanilang pamilya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.