Connect with us

Viral

Isang ukay-ukay vendor, ibinahagi ang nakakapangilabot niyang karanasan sa ibinebenta niyang pulang polo shirt!

Published

on

Nitong mga nagdaang taon, talaga namang marami sa atin ang nahirapang makaraos at makahanap ng panibagong trabaho. Dahil kasi sa pandemya ay maraming negosyo ang nalugi at kinailangang magsara, marami ding mga empleyado ang nawalan na tuluyan ng trabaho.

Hindi naman nagpagapi ang marami sa atin sa pagsubok na ito at talagang naghanap tayo ng mapagkakakitaan. Marami ang naging delivery riders at online sellers.

Isa na nga sa naging pinakapatok na business ay ukay-ukay. Talagang tinangkilik ito ng maraming mga Pilipino.

Ngunit kamakailan lamang ay mayroong isang kwento na talagang nagdulot ng kilabot sa maraming mga netizens. Isang ukay-ukay seller kasi ang nagbahagi ng kakaiba at nakakapangilabot niyang karanasan sa pagtitinda ng ukay na mga damit.

Isang araw daw habang siya ay nagla-live selling sa kaniyang bahay ay mayroong isang buyer na nagsabi sa kaniyang cute daw ang bata sa kaniyang likuran. Ngunit nang tingnan niya ay wala naman siyang kasama ng mga oras na iyon.

Laking pagtataka niya rin dahil siya lang talaga mag-isa ang nakatira sa kaniyang bahay kung kaya naman wala dapat ibang tao roon. Sinubukan niyang tingnan kung mayroon bang ibang batang nakapasok sa kaniyang tirahan ngunit wala naman.

Nang sumunod na araw ay nagpadala na siya ng mga ukay na nabenta niya. Maya-maya pa ay mayroong kostumer na nagagalit sa kaniya dahil hindi naman daw iyon ang kaniyang biniling pulang polo shirt.

Humingi siya ng pasensiya at sinabing papalitan na lamang niya ito. Nagtataka siya kung paanong nangyari iyon dahil sigurado siyang tama ang mga naipadala niyang order.

Nang kinagabihan ay patulog na sana siya at pinatay na ang lahat ng ilaw sa kaniyang kwarto. Nang magtatalukbong na siya ng kumot ay nadampot niya ang isang pulang polo shirt.

Dahil sa takot at pagkabigla ay inihagis niya ito sa labas ng pinto. Maya-maya pa ay nagulat siya dahil lumulutang at sumasayaw ang anino nito.

Mayroon siyang narinig na batang nagsasalita at nagtatanong sa kaniya kung bakit niya raw ibinebenta ang kaniyang damit na regalo sa kaniya ng kaniyang ina. Humingi ng tawad ang ukay-ukay seller at ipinagdasal ang kaluluwa ng bata.

Inilagay na rin niya sa kahon ang damit na ngayon ay hindi na kulay pula kundi kulay puti na. Marahil ay nasa payapang lugar na ang kaluluwa ng bata. At mula noon ay hindi na siya nagtinda pa ng ukay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.