Connect with us

Viral

Isang tricycle driver na may dala-dalang anak habang bumabiyahe at naghahanap-buhay, umani ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko!

Published

on

Ang pagkakaroon ng sariling pamilya, pagkakaroon ng asawa at mga anak ay hindi madali at talaga namang mabigat na responsibilidad para sa marami sa atin. Talagang dito masusukat ang pagiging matibay ng ating kalooban at ang mga bagay na kaya nating gawin alang-alang sa ating pamilya.

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwentong ito ng isang tricycle driver na dala-dala pa ang kaniyang sanggol na anak habang siya ay nagtatrabaho. Ang naturang driver ay nakilala bilang si Vicente Botante na 49 taong gulang na.

Ang naging pasahero niyang si Mar Errol Buhat Diaconte ang nagbahagi ng ilang mga larawan ng masipag na ama sa social media. Habang naghihintay daw siya sana ng masasakyan tricycle ay bigla na lamang napadaan si Vicente na nag-alok ng masasakyan sa kaniya.

Napansin niya agad ang dala-dala nitong bata. Bagamat nag-aalala sa kalagayan ng bata na dapat sana ay nasa loob lamang ng bahay ng mga oras na iyon ay hindi rin niya maiwasang isipin kung bakit kinailangang dalhin ng ama ang kaniyang anak sa pagtatrabaho.

Ang hindi niya alam ay single dad na pala si Vicente dahil iniwanan na sila ng ina ng kaniyang anak. 11 taong gulang na ang anak niyang si Rayve nang abandonahin sila ni Rose, dati niyang asawa at sumama sa ibang lalaki.


Talagang nagulat si Vicente ng malaman na may asawa na pala itong si Rose at mayroong mga anak. Dahil dito ay hinayaan na lamang niya itong umalis at mula noon ay siya na mismo ang nag-alaga sa kaniyang anak.

May dala-dala din siyang ilang biskwit at diaper para kay Rayve sa mismong tricycle niya. Walang mapag-iiwanan si Vicente kung kaya naman kailangan niyang dalhin si Rayve saan man siya magpunta kahit pa nga mayroon itong kalakip na panganib.

Gayun pa man ay marami pa rin ang sumasaludo sa kaniya dahil sa pagsusumikap niya para sa kaniyang anak kahit pa nga siya ay mag-isa na lamang sa ngayon.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media