Connect with us

Viral

Isang sampung taong gulang na batang lalaki, nagligtas ng mga hayop matapos hagupitin ang kanilang lugar ng matinding bagyo at baha!

Published

on

Marami sa atin ang talagang sanay na sa simple at ordinaryong pamumuhay. Ngunit madalas ay mayroon talagang dumarating na mahirap na mga pagsubok.

Nariyan din ang mga sakuna at kalamidad na talagang hindi natin inaasahan. Nakakalungkot at nakakapanlumo ang makaranas nang ganitong pangyayari lalo na sa mga lugar na talagang talamak ang kahirapan.

Hindi naman din kasi lahat tayo ay mayroong maayos at masaganang pamumuhay. Ngunit kahit pala gaano kahirap at kabigat ang nararanasan natin, magagawa pa rin talaga natin ang makatulong sa ibang tao o maging sa ibang hayop.

Tulad na lamang ng batang ito mula sa Mexico. Marami ang humanga at bumilib sa kaniya dahil hindi naging hadlang ang bagyong Willa na nanalanta sa kanilang bayan upang siya ay panghinaan ng loob at hindi tumulong sa kaniyang kapwa.

Sinong mag-aakala na sa edad niyang sampung taong gulang ay maiisip niyang sagipin ang mga kawawang hayop na apektado rin ng baha sa kanilang komunidad? Isa na marahil sa pinakamalakas na bagyo ang naranasan nilang bagyong si Willa.

Matinding pinsala talaga ang kanilang naranasan at ilang araw din ang inabot ng baha. Maraming mga residente ang naapektuhan at mga bahay na nasira.

Kung marami sa atin ang magliligtas ng kanilang mga mamahaling gamit o di kaya naman ay importanteng mga dokumento, ang batang ito na si Jostyn Dilan Cabrera Ramirez ay nagsalba ng ilang mga hayop. Ilan sa mga nailigtas niya sa kaniyang batyang lumulutang ay anim na mga aso at dalawang manok.

Marami sa kaniyang mga kapitbahay ang nakakita sa kaniyang ginawang kabayanihan kung kaya naman ninais din nilang makatulong kahit papaano. Mayroong nagbigay ng mga pagkain para sa mga hayop at mayroon din namang iilan na nagbigay ng ilang mga gamit o damit upang mapunas at maging komportable ang mga ito.

Tunay ngang hindi mahalaga ang edad o estado sa buhay kung nais mong tumulong. Ito ay nasa iyong intensyon bilang isang indibidwal.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.