Connect with us

Viral

Isang pusang nakahandusay sa sasakyan, inakalang wala nang buhay ngunit natutulog lamang pala!

Published

on

Tipikal na lamang sa marami sa atin ang makatulog ng mahimbing sa tuwing uuwi tayong pagod mula sa ating mga trabaho. Talaga namang hahayaan tayong mamahinga ng mga kasama natin sa bahay sa puntong ito upang kahit papaano ay makabawi tayo sa pagod at puyat natin sa pagtatrabaho.

Ngunit maliban pala sa atin ay tila mas pagod din ang mga alaga nating hayop sa araw-araw nilang ginagawa. Madalas na tayong nakakakita ng mga iba’t-ibang hayop at ang mga paraan o posisyon nila sa kanilang pagtulog.

Talaga namang napakacute at nakakatuwa sa tuwing pinagmamasdan nating matulog ang kanilang mga inosenteng mukha. Ngunit hindi lamang pala pagiging cute nila ang ating makikita sa mga hayop na ito dahil talagang kakabahan at titibok din ng mabilis ang iyong puso lalo na kung ang posisyon nila sa pagtulog ay talagang kakaiba.

Halimbawa na lamang ang pusa na ito na talagang nakakabahala ang posisyon sa harapan ng isang sasakyan. Tila ba ito ay wala nang buhay dahil talagang hindi ito gumagalaw at hindi rin masyadong maaninag kung ito ay humihinga pa ba!

Dahil sa marami na rin ang nakakita na mga dumaraan sa lugar na ito sa kawawang pusa, naglakas loob na ang isa sa kanila na lapitan ito at tingnan kung buhay pa nga ba ito o hindi na.
Ngunit nagulat din siya nang makita ang paggalaw ng pusa matapos niya itong tapikin at hawak-hawakan sa kaniyang mga paa.

Buti na lamang ay walang masamang nangyari sa kawawang pusa na marahil ay sadyang napagod lamang sa panghahabol ng ilang mga maliliit na hayop sa kanilang tirahan. Tunay ngang nakakatuwang makakita ng mga cute na hayop sa ating paligid ngunit palagi rin sana nating tandaan na dapat din tayong maging maingat sa paghawak sa kanila dahil maaaring ang iilan sa kanila ay hindi pa ganoon ka-amo.

Mas mabuti na ring nag-iingat kaysa naman tayo ay mapahamak pa, hindi ba?



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.