Connect with us

Viral

Isang netizen nagbahagi ng nakaka-inspire na kwento ng mag-ama na nasilayan niya nang siya ay sumakay sa isang bus biyaheng EDSA!

Published

on

Ang pagiging isang magulang ay talagang ibang-iba kumpara sa pagiging isang single, dalaga, o binata. Kung noon sarili lamang natin ang iniisip natin, ngayon ay hindi na dahil mayroon nang buhay na nakadepende sa atin.

Marahil ito ang dahilan kung kaya naman gayun na lamang ang pagsasakripisyo ng ating mga magulang para sa ating kapakanan. Mabigat at mahirap man ang ginagawa nila sa araw-araw ay hindi nila ito alintana dahil nais nilang maging responsableng magulang para sa kanilang mga anak.

Marahil ay pamilyar pa sa marami sa atin ang kwento na ito ng isang mag-ama na namataan sa isang bus biyaheng EDSA. Ang netizen na si Marivic Ando Natividad ang nagbahagi ng kanilang kwento online.

Ayon sa kaniya, nung araw na lamang na iyon siya sumakay mula ng bus patungong trabaho. Ngunit naging napakapalad niya dahil sa nasaksihan pa niya ang pambihirang pagmamahal ng ama sa anak at ng anak sa kaniyang ama.

Habang nakasakay kasi siya sa pampasaherong bus ay napansin niya ang isang special child na talaga namang bibong-bibo at napakamasiyahin. Sa katunayan ay ilang beses nga din silang nagkatinginan at palaging nakangiti sa kaniya ang batang lalaki.

Kabisado din nito ang bawat bus stop at siya pa mismo ang nagpapaalala sa mga pasahero ng lugar na kanilang bababaan. Maya-maya pa ay lumapit ito sa driver ng bus at tinawag itong “Papa”.

Mag-ama pala ang dalawa at sinasama ng driver ang kaniyang anak sa kaniyang trabaho. Natuwa ang netizen dahil nakita niya kung paano kausapin ng driver ang kaniyang anak, napakagalang din naman ng anak sa kaniyang ama.

Masayang-masaya silang nag-uusap at nagkukwentuhan. Tunay nga na napakarami nating pagsubok na pinagdaraanan sa ating buhay.

Ngunit sa kabila pala ng mga pagsubok na ito ay napakarami ding mga pagpapala at biyaya na marahil ay hindi lamang natin napapansin. Kung kaya naman sa bawat araw na ibiniyaya sa atin ng Diyos, dapat ay maging mapagpasalamat tayo sa lahat ng pagkakataon.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.