Connect with us

Viral

Isang lalaking may kapansanan ang mapalad na natulungan ng YouTuber na ito na napadaan lamang sa lugar kung saan siya nagtitinda ng mga orange!

Published

on

Madalas na nakakalimutan na nating ipagpasalamat ang maraming mga bagay sa ating buhay. Lingid sa ating kaalaman ay maraming mga tao ang nangangarap na maranasan at magkaroon din ng mga ganitong bagay.

Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang naantig sa pagtatagpo na ito ng isang YouTuber at isang lalaking may kapansanan. Ang naturang social media influencer ay nakilala bilang si Ted Kunchok mula sa Tibet.

Siya ay isang travel vlogger na nagsimulang mag-vlog Abril 2020. Marami na siyang tagahanga at tagasubaybay ngayon Sa YouTube, Instagram, at Facebook.

Isang araw ay napadaan si Ted sa lugar kung saan nagtitinda ng orange ang may kapansanang si Anu. Kahit na may kapansanan siya ay talagang pinipilit niyang kumita ng pera para sa kaniyang may sakit na ina.

Nang tanungin ni Ted kung kamusta ang kaniyang munting negosyo ay sinabi nitong hindi maganda dahil walang dumaraan na mga sasakyan sa lugar kung kaya naman wala ring bumibili sa kaniya. Naibahagi din ni Anu ang tungkol sa may sakit niyang ina kung kaya naman hindi na nagdalawang-isip pa si Ted na bilhin ang sampung bag ng kaniyang mga paninda.


Inabutan niya ng $13.20 (₹1,000 Indian rupees) si Anu na talaga namang ikinagulat nito at labis na ipinagpasalamat. Hindi na niya kailangan pang maghintay ng matagal upang may maiuwing pera sa kaniyang ina.

Nang magliligpit na ng kaniyang lamesa si Anu ay tinulungan na rin siya ni Ted na buhatin ang mabigat na lamesa. Hindi maipagkakaila ang paghanga nito kay Anu dahil kahit gaano pa kahirap ang kanilang kalagayan ay talagang hindi mo ito makikitaan ng kalungkutan sa kaniyang mga mata.

Bagkus ay punong-puno ito ng pag-asa at talagang positibo pa rin sa buhay. Napakagandang inspirasyon ni Anu para sa mga taong walang kapansanan na madalas ay puro reklamo na lamang at negatibong bagay ang isinasapamuhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.