Connect with us

Viral

Isang journalist na maraming nagawang pagkakamali sa kaniyang report, agad na pinatawad ng publiko dahil sa angking kagandahan nito!

Published

on

Madalas nating marinig sa mga nakatatanda na kung mahal mo talaga ang iyong trabaho ay gagawin mo ang lahat upang mapabuti ang mga dapat mong gawin sa trabahong ito. Ngunit kamakailan lamang ay mayroong isang journalist na tila binabatikos ng publiko dahil sa pagkakamaling nagawa niya habang siya ay nag-uulat.

Batid naman nating lahat na bilang isang journalist ay hindi ka dapat makagawa ng kahit ano mang pagkakamali – maliit man ito o malaki. Inaasahan sila ng publiko na magsabi ng katotohanan sa tuwing sila ay mag-uulat o magrereport.

Walang lugar upang magkamali sila dahil maliit na pagkakamali lamang ay talagang makakaapekto ng husto sa kanilang trabaho. Maraming mga netizens ang talagang nagalit at nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa isang journalist na ito na nagtatrabaho sa Chinese publication BD News.

Siya ay nakilala bilang ang sports journalist na si Xing Chengbo. Malaking pagkakamali kasi ang nagawa niya habang nag-uulat siya noon para sa EAFF E-1 Football Championship.

Marami siyang ginamit na mga maling Chinese characters kung kaya naman halos mali talaga ang “grammar” ng kaniyang mga pangungusap. Higit pa rito ay tila nalito siya sa mga pangalan ng 23 national footballers.


Naging tanong tuloy ng maraming mga netizens kung karapat-dapat ba siya sa kaniyang trabaho. Hindi magkamayaw ang maraming mga netizens sa pambabatikos sa kaniya at pagsasabing hindi niya nagawa ng maayos ang kaniyang trabaho.

Maliban dito ay nabigyan din siya ng pagkakataong iulat ang tungkol sa 2018 FIFA World Cup. Ngunit hindi nagtagal, nang maglabasan ang kaniyang mga seksing larawan ay tila maraming mga netizens ang agad na lamang na nagpatawad sa kaniy at handang palagpasin ang kaniyang mga nagawang pagkakamali.

Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento:

“Forgive her, we must forgive her (for her mistakes),” komento ng isang netizen.

“Having such a beautiful woman misspell your name is the honor of a lifetime for our national footballers,” Pahayag pa ng isa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.