Connect with us

Viral

Isang cute na baby golden retriever ang kinagigiliwan ngayon ng marami dahil sa lion headgear na suot suot nito!

Published

on

Napakapalad nating mga tao dahil maraming nakakabilib at nakakamanghang bagay ang talaga namang nakikita at nararanasan natin sa araw-araw. Tunay nga na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos ang kaniyang mga nilikhang bagay magmula sa mga puno, bundok, ilog, hayop, at marami pang iba.

May buhay man o wala, malaki ang responsibilidad natin sa mga bagay na ito sa ating paligid. Kamakailan lamang ay talagang kinagiliwan at pinagkaguluhan ang napakacute na baby gold retriever na ito na nakasuot ng isang lion head gear!

Sa unang sulyap ay aakalain mo talagang isa itong munting leon ngunit kung tititigang mabuti ay isa itong golden retriever. Ayon sa mga nauna nang ulat, ang amo ng napakacute na asong ito ay mayroong alagang dalawang golden retriever.

Hindi lamang sila cute kundi talagang malilikot at makukulit din tulad ng iba pang mga hayop. Nang minsang magtungo sa isang tindahan ang dog owner ay may nakita itong lion head gear na agad naman niyang binili.

Nang maglakad-lakad at mamasyal sila sa parke ay agad namang isinuot ng amo sa kaniyang alaga ang naturang head gear. At marami sa mga tao roon ang nagsabing mukha talaga itong “The Lion King”.

Tuwang tuwa ang mga taong nasa parke maging ang iilan na dumaraan lamang sa lugar. Nagdudulot ng ngiti sa kanilang mga labi ang napakacute na hitsura ng asong ito.

Kahit sa ating bansa, natural na rin ang mga ganitong sitwasyon. Madalas tayong nakakakita ng mga cute na aso sa mga mall at iba pang pampublikong paaralan.

Hindi lamang tipikal na mga alaga ang mga ito dahil kadalasan ay mga nakasuot pa ito ng damit, diaper, at nakasakay pa sa mga stroller. Halatang alagang-alaga sila ng kanilang mga fur parents, napakapalad ng mga asong ito!

Hindi lahat ng hayop ay mayroong responsible at mapagmahal na mga amo kung kaya naman talagang masasabi natin na ilan lamang sila sa mapapalad na hayop na nakatagpo ng taong mag-aalaga at magmamahal sa kanila.

 



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.