Connect with us

Viral

Isang bride, nag-walk out sa mismong kasal niya matapos madiskubreng kalbo pala ang kaniyang groom!

Published

on

Isang kasalan sa India ang nauwi sa kaguluhan nang bigla na lamang umalis ang bride sa kanilang kasal ng lalaking hindi niya akalaing kalbo pala! Ayon sa ilang mga ulat, tipikal at ordinaryo na lamang sa maraming bansa tulad halimbawa ng India ang pagkakaroon ng arranged o fixed marriage.

Ngunit kahit gaano pa man kaganda ang usapan ng dalawang pamilya, minsan ay hindi pa rin natutuloy ang kasal dahil ang isa sa mga ikakasal – bride o groom – ay bigla na lamang sasama sa kanilang tunay na minamahal! Minsan naman ay mayroon ding aksidenteng nangyayari o di kaya naman ay nasa bride o groom talaga ang problema.

Tulad na lamang halimbawa ng isang insidenteng ito sa Etawah District sa Kanpur. Hindi kasi pumayag ang bride na maikasal sila ng groom dahil lamang sa nadiskubre nitong kalbo ang groom!

Nakahanda at talagang nakaayos na ang lahat para sa kanilang kasal ngunit napansin ng bride na labis ang ginagawang pag-aayos ng kaniyang mapapangasawa sa headgear nito na isang tradisyon na sa kanila. Narinig naman ito ng isa sa mga kasama sa entourage at sinabi sa bride na maaaring kalbo ang groom at naka-wig lamang ito kung kaya naman napakahirap para sa kanila ang ayusin ang kaniyang headgear.


Dahil sa labis na nagulat sa kaniyang narinig ay agad na kinompronta ng bride ang kaniyang groom kung siya nga ba ay talagang kalbo o hindi. Hindi naman ito itinanggi ng lalaki ngunit naging dahilan ito upang mahimatay ang babae.

Nang mahimasmasan siya ay agad itong nagsabi sa kaniyang pamilya na hindi niya kayang pakasalan ang lalaking ito dahil sa siya ay kalbo. Kalunan ay hindi na rin natuloy ang kasalan ngunit nagreklamo ang dalawang pamilya sa lokal na pulis sa kanilang lugar na pareho diumano silang naloko sa naturang insidente.

Hindi nagtagal at nagkasundo ang dalawang pamilya na ayusin na lamang ng pribado ang sigalot sa pagitan nila.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.