Connect with us

Viral

Isang batang babae na nagtitinda ng camote cue, nagsauli ng napulot niyang pera at cellphone!

Published

on

Ang pagbabanat ng buto at paghahanap-buhay ay madalas na ginagawa ng mga matatanda o mga indibidwal na nasa wastong edad na. Ngunit hindi rin naman lingid sa kaalaman nating lahat na mayroon ding mga kapus-palad na sa murang edad pa lamang ay napipilitan nang maghanap-buhay.

Ito ay upang makatulong sa kanilang pamilya sa simpleng pamamaraan na kaya nila. Tulad na lamang halimbawa ng isang batang babae na ito na nakilala sa pangalan niyang Donna Mae Aguilar.

Siya ay 12 taong gulang na at nagtitinda siya ng camote cue upang makadagdag sa panggastos nila araw-araw ng kaniyang lola at nakababatang kapatid. Ang netizen na si Jam Loresto ang nagbahagi ng nakakamanghang kwento ni Donna kung saan hindi ito nagdalawang-isip na isauli ang napulot niyang pera at cellphone.

Hindi naging dahilan ang kahirapan ng buhay at pagkasalat nila sa materyal na bagay upang sarilinin niya ang pera at cellphone na kaniyang napulot. Talagang labis ang pagkamangha ni Jam dahil hindi na niya inaasahan pang maibabalik sa kaniya ang mga gamit niyang nawala.

“Di na ako umasa na makakabalik kasi andaming tao nung time na yun kaya sobra akong nagpasalamat nung naisauli sakin.” Pahayag ni Jam.

Dahil sa labis na pagkamangha ni Jam sa bata ay pinatuloy niya ito sa kanilang tahanan at ipinakilala sa kaniyang pamilya. nagdesisyon din siyang bigyan ito ng laruan at ilang mga damit. Pinakyaw na rin niya ang paninda nitong camote cue upang makauwi na siya at makapagpahinga.

Tunay nga na nakakatuwang makakita ng mga ganitong klase ng kabutihan. Wala sa edad o estado ng buhay kundi nasa intensyon ng isang tao.

Sana ay mas marami pang mga kabataan ang maging katulad ni Donna na hindi nagdalawang-isip na isauli ang pera at cellphone ng isang estranghero. Hindi inisip ang sariling interes bagkus ay ang kabutihang maaaring magawa natin sa ating kapwa. Nakakabilib ka, Donna!



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.