Connect with us

Viral

Isang anak ng magsasaka labis ang pasasalamat sa kaniyang ama na nagsumikap para lamang siya mapagtapos ng pag-aaral!

Published

on

Kumpara sa ibang mga bansa sa buong mundo, malaki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino lalo na pagdating sa edukasyon. Bata pa lamang kasi tayo ay talagang naitatak na sa ating mga puso at isipan na magiging maganda ang ating kinabukasan kung tayo ay magsusumikap na magtapos ng pag-aaral.

Nakakalungkot lamang na hindi lahat sa atin ay mayroong pagkakataon na makapag-aral ng komportable at wala nang iniisip pang alalahanin. Para kasi sa mga pamilyang hirap din sa buhay, hindi madali ang makapagtapos ng pag-aaral.

Talagang kailangan ng matinding sakripisyo at pagsusumikap upang makamit ang pinapangarap na diploma. Hindi lamang mga estudyante ang nagsusumikap ng husto upang makapagtapos kundi lalo na ang kanilang mga magulang.

Marahil ay marami pa rin sa atin ang nakakaalala sa estudyanteng ito na nakilala natin bilang si Ela Marfil Sullano. Minsan na siyang nakilala ng mga netizens bilang mapagmahal at masipag na anak ng kaniyang mga magulang.

Nagbahagi siya ng larawan nilang mag-ama nang araw ng kaniyang graduation kung saan ipinagmalaki niya sa publiko kung gaano siya kapalad dahil mayroon siyang masipag na mga magulang. Hindi rin daw niya ikinahihiya na ang kaniyang ama ay isang magsasaka.

Dahil sa pagiging magsasaka ng kaniyang ama ay nagawa niyang makapagtapos ng pag-aaral at mayroon pa siyang mga nakuhang awards.
“Nakapagtapos ako dahil sa dugo’t pawis ng aking ama. 💖 #ProudDaughterOfAFarmer,” Caption ni Sullano sa kanilang larawang mag-ama.

Talaga namang maraming mga netizens ang humanga sa kaniya dahil kung ibang kabataan ito ay talagang ikahihiya ang trabaho ng kanilang mga magulang kahit pa nga ito mismo ang naging dahilan kung bakit sila nagtagumpay sa pag-aaral. Pinagpala ang mga magulang na mayroong anak tulad ni Sullano ngunit napakagandang biyaya din naman at hindi matatawaran ang magkaroon ka ng mga magulang na susuporta sa iyong mga pangarap.

Kung kaya naman huwag din nating kalimutan na pahalagahan at pasalamatan ang ating mga magulang.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.