Connect with us

Viral

Isang alagang aso ang natagpuang umiiyak habang nag-aagaw buhay matapos itong lasunin ng mga magnanakaw!

Published

on

Marami sa ating mga Pilipino nag-aalaga ng mga hayop dahil gusto nating may makasama sa bahay o di kaya naman ay maging kaibigan at makabawas sa stress natin sa araw-araw. Talaga namang bawat isa sa atin ay tiyak na mayroong magandang alaala ng mga alaga nating hayop mula pa noong ating kabataan.

Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa kwentong ito ng isang amo at ng kaniyang alagang aso. Isang aso kasi sa Indonesia ang nilason ng mga magnanakaw at kalaunan ay nasawi rin kaagad.

Siya ang aso ni Wijaya. Noon pa man ay talagang malapit na sila sa isa’t-isa at talagang pamilya na rin ang turing nina Wijaya sa alaga nilang aso.

Isang gabi ay nagtataka ito dahil naririnig niya ang aso niyang tahol ng tahol na tila ba mayroong ipinahihiwatig. Dahil oras na ng kanilang pagtulog ay hindi na lamang niya ito pinansin.

Marahil ay mayroon lamang itong tinatahulan na ibang hayop, ayon ang nasa isipan niya ng mga oras na iyon. Kinabukasan ay laking pagtataka ni Wijaya dahil ang alaga niyang aso ay hindi na kasing sigla nang dati.

Nakahiga na lamang ito na tila naghihingalo na at mayroong luha sa kaniyang mata. Tila ba namamaalam ito sa kaniyang amo. Bumubula din bibig nito kung kaya naman naisip nilang nilason talaga ito ng mga magnanakaw.

Binalak pa ni Wijaya na ipagamot sa vet ang kaniyang alaga ngunit sarado ang pagamutan sa kanilang lugar. Labis ang lungkot niya at ng kaniyang pamilya sa pagkawala ng kanilang aso.

Laking pasasalamat din nila sa pagprotekta nito sa kanilang tahanan at sa buong pamilya. Dahil kung hindi dahil sa kanilang bantay na aso ay tiyak na mapapahamak silang lahat sa kamay ng mga masasamang loob.

Tunay nga na nakakahinayang ang buhay ng isang alagang hayop ngunit tiyak na masaya ito nasaan man siya ngayon dahil sa nagawa niya ingatan at protektahan ang kaniyang pamilya maging kapalit man nito ay kaniyang buhay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media