Connect with us

Viral

Isang 3 taong gulang na batang lalaki ang tahimik na naghihintay sa labas ng exam room ng kaniyang ina nang halos dalawang oras!

Published

on

Hindi maipagkakaila na ang uri ng pamumuhay natin sa ngayon ay talagang moderno na. Hindi lamang ito dahil sa modernong mga kasangkapan at kagamitan na ating ginagamit ngunit maging sa paraan ng pag-iisip ng mga nakatatanda at maging nang mga bata.

Kapansin-pansin talaga ang malaking pagbabago ng mga kabataan noon at ngayon. Kamakailan lamang ay talagang nagulat ang maraming mga netizens sa tatlong taong gulang na batang ito na tahimik na naghihintay sa kaniyang ina sa labas mismo ng examination room nito.

Sa murang edad ay hindi mo talaga aakalain na makakatagal siya ng halos dalawang oras nang paghihintay sa kaniyang ina. Madalas kasi na nag-iingay o di kaya naman ay umiiyak ang mga batang nasa ganitong edad kahit na sandaling panahon lamang mawawalay ang kanilang mga magulang sa kanila.

Mayroon ding iilang bata na talagang aalis sa lugar kung saan sila iniwanan at talagang hindi susunduin ang paalala sa kanila ng kanilang mga magulang. Maraming mga netizens tuloy ang nagtanong kung paano nga kaya naturuan ang batang ito na maging pasensyoso at tahimik hanggang sa makabalik ang kaniyang ina.

Marami din ang namangha sa ina ng bata dahil sa kabila ng malaking responsibilidad na nasa kaniyang balikat ay nagsusumikap pa rin siyang makapagtapos ng kaniyang pag-aaral. Nagsilbing inspirasyon ang ina na ito sa maraming mga netizens dahil sa pagpapahalaga nito sa edukasyon.

Hindi madali ang maging isang magulang at hindi rin naman madali ang makapagtapos ng pag-aaral. Marami ding netizen ang nagsabi na malaking bagay din ang nagawang pagtuturo ng mga magulang nang batang ito kung kaya naman kahit sa murang edad ay talagang maiiwanan na ito at mapagkakatiwalaan.

Marahil ay hindi madali ang sitwasyon ng mga magulang ng bata at walang mapag-iiwan kung kaya naman pansamantala na munang iniwanan ng ina ang kaniyang anak sa labas ng silid kung saan siya kumukuha ng examination.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.