Connect with us

Viral

Isang 21 taong gulang na binata, pinatunayan na maaaring kumita ang kaniyang negosyo na pag-aalaga ng kambing ng Php10,000 kada buwan!

Published

on

Nagsilbing inspirasyon sa maraming mga Pilipino ang kwento na ito ng isang 21 taong gulang na binata na nakilala bilang si Jomary Nuqui. Siya ay isang goat raiser sa Concepcion Tarlac.

Sa kaniyang edad ay hindi mo aakalain na talagang magiging matagumpay siya sa negosyong kaniyang pinasok. Ayon kay Jomary, nagsimula ang lahat nang ito nang siya ay mag-lockdown dahil sa pandemya.

Nag-iisip siya noon nang maaaring mapagkakitaan upang makatulong din sa gastusin ng kaniyang pamilya. Dito na niya sinimulan ang pag-aalaga ng mga kambing.

Pasok na pasok din kasi ito sa kaniyang kurso na BS Agricultural Major in Animal Science kung kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip pang simulan ang negosyong ito. Bata pa lamang siya ay hilig na rin niyang mag-impok o mag-ipon ng pera kung kaya naman mayroon siyang nahugot na pangpuhunan sa kaniyang naisip na negosyo.

Maaaring simple lamang ang araw-araw na routine ni Jomary sa kaniyang pag-aalaga ng kambing ngunit talagang kakailanganin mo din ng tiyaga at sipag dito. Nagsisimula ang kaniyang araw sa pagsusuri sa kaniyang mga alagang kambing kung mayroon bang sakit ang mga ito.


Naglilinis din siya ng kanilang kulungan at nagpapadede ng mga malilit na kambing na nangangailangan pang padedehin. Pinapastol niya rin ang kaniyang mga alagang kambing mula ika-siyam ng umaga hanggang ika-sampu, gayundin naman sa tanghali sa ganap na ika-12 ng tanghali hanggang ala-una ng hapon.

Bandang alas-singko naman ng hapon ay ibinabalik na niya ang mga ito sa kulungan. Nagsimula ang kaniyang puhunan sa Php11,500 para sa 3 kambing lamang ngunit makalipas ang 2 taon ay mayroon na siyang total investment na Php80,000 para sa 60 bilang na mga kambing.

Sa ngayon ay patuloy pa niyang pinaparami ang kaniyang mga alagang kambing upang mas dumami rin ang kaniyang kita buwan-buwan. Humigit-kumulang Php10,000 din ang kinikita niya sa loob ng isang buwan sa pagbebenta lamang ng mga nabi-breed niyang kambing.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.