Connect with us

Viral

Ilang mga kababaihan, nagdesisyon magpakasal sa puno upang mailigtas ang mga ito?

Published

on

Para sa maraming mga Pilipino, ang pagpapakasal ay isang sagradong pagsasama ng dalawang taong nagmamahal. Kung kaya naman talagang pinahahalagahan ito ng marami sa atin hanggang sa ngayon.

Kahit pa nga marami nang mga bansa sa iba’t-ibanga panig ng mundo ang sang-ayon sa pagdidiborsiyo, hindi pa rin nais ng karamihan sa mga Pilipino ang mabigyang daan ito sa Pilipinas. Nakatatak kasi sa ating puso at isipan na ang pinag-isa ng Diyos ay hindi na mapaghihiwalay pa ninuman.

Ngunit sa ibang bansa pala ay maaaring gawing pagprotesta ng pagpapakasal – hindi sa isang tao kundi sa isang puno?! Maraming mga netizens ang nagulat nang mapabalita ang pagpapakasal ng ilang mga kababaihan sa ilang mga puno dahil sa pagnanais nilang mailigtas ang mga ito.

Bagamat marami ang hindi sang-ayon dito, noon pa man ay bahagi na ito ng kultura ng ilang mga dayuhang bansa. Halimbawa na lamang ang ilang mga kababaihan na ito sa Mexico.

Isang grupo ng mga babaeng aktibista sa Oaxaca, Mexico ang nagdaos ng isang mass marriage ceremony kung saan ang bawat kababaihan ay magpapakasal sa isang matandang puno. Ginagawa nila ang hakbang na ito dahil nais nilang mailigtas pa ang ilang mga puno na hindi pa pinuputol sa kanilang lugar.


“Marrying a tree is a way of protesting, to say that we need to stop exterminating Mother Earth every day, every minute, every second,” pahayag ni Dolores Leycigi sa Yahoo Lifestyle.

Ang mga seremonyang naganap sa “Marry a Tree” event ay hindi talaga legal na pagsasama o pagiging mag-asawa ng isang puno at ng isang babae dahil hindi naman maaaring mahingian ng “consent” ang puno at hindi rin ito maaaring mag-commit sa isang seryosong relasyon.

“I thought it was very interesting that we have a commitment, not only with this tree, but with all of nature. I thought about how much we’ve already damaged nature, so I decided to come and get married.” Dagdag pa ni Leycigi.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.