Connect with us

Viral

Fitness trainers na nawalan ng trabaho matapos magsara ang kanilang gym, nagtinda ng durian na talagang pumatok sa maraming kostumer!

Published

on

Halos lahat na yata ng tao sa buong mundo ang nakaranas ng pangamba dahil sa pandemyang COVID-19. Talagang nagdulot ito ng takot sa maraming mga tao, bata man o matanda.

Wala ring pinipiling edad o estado sa buhay ang sakit na ito na marami na ring kinuhang buhay. Labis ding naapektuhan ang ating ekonomiya – mga negosyong nalugi at kinailangang magsara at mga empleyadong nawalan ng trabaho.

Nakakalungkot mang isipin ngunit talaga namang ito na yata ang isa sa pinakamahirap na sitwasyong kinaharap ng marami sa atin. Dahil dito ay marami din ang kinailangang maghanap ng alternatibong paraan upang kahit papaano ay kumita pa rin ng pera sa kanilang pamilya.

Halimbawa na lamang ang mga fitness trainers na ito sa Thailand. Kinailangang magsara ng pinagtatrabahuhan nilanga gym dahil sa pandemya kung kaya naman nagtrabaho muna sila bilang mga tindero ng durian.

Ang naturang tindahan ng durian ay ang Bsamfruit Durian Delivery sa matatagpuan sa Chiang Mai, Thailand. Talagang pumatok ito sa maraming mga kostumer at dinagsa sila ng mga taong hindi lamang nais bumili ng durian kundi nais ding makakita ng mga gwapo at maskuladong kalalakihan.


Wala kasi silang suot na mga damit kung kaya naman kitang-kita ang kanilang mga abs at toned muscles. Dahil sa naging matagumpay ang tindahan na ito ng durian sa gitna ng pandemya ay magkakaroon naman sila ng café para sa kanilang mga parokyano.

 

Tiyak na dadagsain din ang lugar na ito lalo na kung ang mga kalalakihan pa ring ito ang magse-serve sa kanilang mga kostumer. Tunay nga na walang imposible sa mga taong may plano sa buhay.

Naging malaking dagok man ang pandemyang ito ay nakagawa pa rin sila ng paraan upang masuportahan ang kanilang mga pamilya. Kasabay nito ay nakapagpapasaya pa sila ng maraming mga tao lalo na ang kanilang mga regular na kostumer.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.