Connect with us

Viral

Dahil lamang sa pagtitinda ng ice candy sa kanilang tindahan, isang ginang nakaipon ng Php165,000 sa loob ng isang taon!

Published

on

Tayong mga Pilipino ay talagang likas na maparaan at madiskarte. Hindi maipagkakaila na kayang-kaya nating gawan ng paraan ang maraming mga bagay, simple man yan o talagang mabigat.

Tulad na lamang halimbawa nang pandemyang naranasan at patuloy pa rin nating nararanasan hanggang sa ngayon. Maaaring medyo lumuwag at naging magaan na ang ating pamumuhay nitong mga nagdaang buwan ngunit nang magsimula ang pandemya ay marami din sa atin ang tila nawalan na ng pag-asa.

Ngunit dahil sa kailangan nating maging matatag at positibo sa buhay para sa ating mga mahal sa buhay, talagang hindi tayo tumigil na maghanap ng kahit anong mapagkakakitaan basta’t legal at walang ibang taong mapapahamak. Isa na marahil sa mga dapat nating hangaan sa pagiging likas niyang madiskarte ay ang ginang na nakilala bilang si Riz Red Moreno.

Naging usap-usapan kasi sa social media ang pambihirang tagumpay niya sa pag-iipon ng halagang Php165,000 sa loob lamang ng isang taon! At ito ay bunga ng paggawa at pagtitinda niya ang dalawang klase ng ice candy.

Isang mangga at isang buko ang flavor ng kaniyang panindang ice candy. Ayon sa naging pagsasalaysay niya, sa bawat isang kaserola ay nakakagawa siya ng 165 piraso ng ice candy na siya naman niyang ibinebenta sa halagang P5 kada isa.

Umaabot din ng P400 ang kaniyang tubo sa bawat kaserolang ito at dahil dalawang flavor ang kaniyang ginagawa ay mayroon siyang P800 na tinutubo. Palagi din daw niyang sinisiguro na makapagtatabi agad siya ng ipon mula sa kaniyang kinikita kung kaya naman ang P500 niyang kita ay diretso agad sa kaniyang alkansiya habang ang P300 pa ay pambayad naman niya sa kuryente.

Nagbigay siya ng inspirasyon sa maraming mga Pilipino na hindi dapat maging tamad sa buhay lalo na kung mayroon kang pangarap. Sabi nga sa isang sikat na kasabihan: “Kung gusto ay mayroong paraan ngunit kung ayaw ay maraming dahilan!”



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.