Connect with us

Viral

Asawa ng isang sundalo, hindi napigilang maging emosyonal nang makita ang sikreto na ito ng kaniyang mister sa kaniyang laptop matapos nitong masawi sa giyera!

Published

on

Ang pagkawala ng ating mahal sa buhay ay isa na marahil sa pinakamasakit na bagay na maaari nating maranasan sa ating buhay. Napakasakit maranasan ang magigising ka isang araw na wala na ang taong naging malaking parte ng iyong buhay.

Nariyan ang mangungulila ka, malulungkot, at talagang mawawalan ng pag-asa. Ngunit para sa asawa ng isang sundalo na ito, hindi siya maaaring sumuko na lamang agad sa pagkawala ng kaniyang kabiyak dahil mayroon pa silang anak na umaasa sa kaniya.

Pinipilit ni Emma Weaver ang magpakatatag at manatiling positibo sa buhay sa kabila ng pagpanaw ng kaniyang mister na si 1st Lt. Todd Weaver. Nasawi ito sa gitna ng giyera sa Afghanistan.

Talagang napakasakit at hindi matanggap ni Emma ang maagang pagkawala ng kaniyang asawa lalo na at batang-bata pa ang anak nilang si Kiley. Makalipas ang dalawang araw mula nang mailibing na ang kaniyang asawa ay nakita ni Emma ang laptop na dala-dala ng kaniyang asawa sa lugar kung saan siya nadestino.

Binuksan niya ito at laking gulat niya nang makita ang dalawang liham doon na mayroong nakasulat na “Dear Emma” at “Dear Kiley”. Sa liham ng kaniyang pinakamamahal na asawa para sa kaniya ay nakasaad dito kung gaano na ito kamahal at kung gaano siya kasaya dahil nakasama niya ang kaniyang mag-ina kahit sa maiksing panahon lamang.


Huwag din daw mag-alala si Emma dahil palagi siyang susubaybay sa kanila kahit na nasa langit na siya. Sa liham naman ito para sa kanilang anak ay nagsabi siya kung gaano niya kamahal si Kiley at huwag na huwag din daw nitong pababayaan ang kaniyang ina.

Dapat din daw siyang magkaroon ng matatag ng pananampalataya sa Diyos habang siya ay lumalaki. Bagamat wala na siya sa kanilang piling ay palagi pa rin daw itong nakatanaw sa kanila ng kaniyang inang si Emma.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.