Connect with us

Viral

Ang pagsayaw ay hindi lamang basta isang “hobby” dahil mas mainam din ito upang mapabuti ang iyong kalusugan!

Published

on

Marahil ay hindi napapansin ng marami sa atin ngunit talagang nagiging mas abala na tayo sa araw-araw. Abala sa maraming mga bagay tulad na lamang halimbawa ng trabaho, pag-aaral, negosyo, relasyon, at marami pang iba.

Ngunit kahit gaano pa man tayo kaabala sa mga bagay na ito, hindi natin dapat makaligtaan ang alagaan ang ating mga sarili. Wala din namang ibang makakatulong sa ating sarili kundi tayo rin naman, hindi ba?

Alam n’yo ba na ang pagsasayaw ay mayroong mabuting naidudulot sa ating kalusugan? Hindi lamang ito nakaka-good vibes kundi talagang marami ding ginhawang maaaring maidulot sa atin.

Hindi lamang ito makabubuti para sa iyong mental health kundi nakapagdaragdag din ng kaligayahang nararamdaman ng bawat isa sa atin. Madalas ay nirerekomenda din ito para sa mga therapy.

Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ng Örebro University Hospital sa Sweden, ang mga pasyente nilang nakakaranas ng paulit-ulit o pabalik-balik na sakit ng ulo, sakit ng tiyan, emotional distress, at labis na pag-aalala ay nagiging mabuti ang kalagayan matapos ang dancing therapy. Ang pag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa mga batang edad 13 hanggang 18 taong gulang.

For illustration only

Napatunayang nakakabuti sa kanilang pisikal at mental na kalusugan ang pagsasayaw. Makalipas ang walong buwan, mas naging mabuti ang kanilang kalagayan at nabawasan na rin ang pagkain nila ng ilang mga matatapang na gamot.

Maliban sa magandang “physiological effect” nito ay nakapagpapataas din ito ng self-esteem at confidence. Ang gawain din itong ay maaaring gawing bonding upang mas maging malapit sa isa’t-isa.

For illustration only

Tunay ngang napakarami nating mararanasang benepisyo sa pagsasayaw. Kung kaya naman huwag na huwag nang tamarin at lalo pang magnais na mapabuti ang ating kalusugan at pangangatawan lalo na ngayon pandemya.

Mas makakasama natin ng matagal ang ating mga mahal sa buhay at mas maeenjoy din natin ang buhay na pahiram sa atin ng Maykapal.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.