Connect with us

Showbiz

Throwback photo ng aktres na si Sunshine Cruz noong siya ay 14-anyos pa lamang, hinangaan ng husto ng publiko!

Published

on

Marami na tayong napanuod at nasaksihan na mga artista sa showbiz. Mayroong mga personalidad na talagang nagtagal at naging matagumpay ng husto sa larangan na kanilang kinabibilangan habang mayroon din namang iilan na hindi na tumagal at hindi na tuluyang nagtagumpay pa dahil na rin sa kanilang mga personal na dahilan.

Sa kabila nito ay marami pa rin naman tayong mga iniidolong artista na hanggang ngayon ay napapanuod pa rin natin sa mga teleserye at pelikula tulad na lamang ng singer at aktres na si Sunshine Cruz. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na siya ang dating misis ng batikan ding aktor at direktor na si Cesar Montano.

Nagkaroon sila ng tatlong mga anak sina Angelina Isabele, Samantha Angelene, at Angel Franchesca. Hindi man naging matagumpay ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay naging mabuting ina naman ang aktres sa kanilang tatlong mga anak na nasa kaniyang pag-iingat.

Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang namangha sa larawang ito ng aktres noong kaniyang kadalagahan. Ang edad diumano ng aktres sa larawang ito ay 14 na taong gulang lamang.

Talaga namang napakaganda na niya kahit noong kabataan pa niya. Naibahagi rin ni Sunshine na nang mga panahong iyon ay talagang naging masaya siya sa kaniyang kabataan.


Bagamat masyado pa siyang bata ay nagawa niyang kumita ng sarili niyang pera. Tinuruan din siyang magkaroon ng tiwala at kompiyansa sa kaniyang sarili. Mas sinanay din siyang magsayaw at umarte sa edad niyang ito.

At higit sa lahat ay nagkaroon siya ng pagkakataon na magkaroon ng maraming mga kaibigan. Hindi na nga nakapagtatakang marami rin ang nagkagusto sa kaniya noon dahil sa angkin niyang kagandahan.

Madali rin siyang napansin ng mga tao sa kaniyang talento. Hindi rin naman maipagkakaila na ang kanilang angkan ay isa sa pinakamalaking angkan sa industriya ng mga talentadong aktor at mang-aawit.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media